Kung may isang pahina
Ang aking babalikan
Ito ang pahina
Na hindi ko malilimutan.
Isang tao na dalisay ang puso
Na sa tuwina'y ang pagpintig ay kalmado.
Sa hardin ng maaliwalas na kagubatan
Isang napakagandang bulaklak ang aking iniingatan.
Mabining huni ng musika
Ang aking naririnig
Sa tuwing kapiling ka'y
Labis na saya ang nananaig.
Hindi masukat na kaligayahan
Ang aking nadarama
Sa tuwing magkahawak-kamay
Tayong dalawa.
Ipinagdarasal na sana'y
Laging gabayan ng Maykapal.
Wala na akong mahihiling pa,
Ito ang pahina na aking babalikan
At hinding -hindi ko malilimutan.
