"Pag-ibig"
By: Meleah Palanca
Pag-ibig?
Hindi totoo yan!
Sa mundong ito kahit sino
hindi naman yan napatunayan.
Dahil wala naman talagang
"Forever"
Pag -ibig?
Walang magmamahal sayo
ng higit pa sa sarili mo.
Wala!
At hindi na ako naniniwala!
Pag -ibig?
Yan ang mga pangako
Na laging na papako.
Kung totoo yan,
Bakit maraming nasasaktan?
Bakit maraming iniiwanan?
Yan ang mga pananaw ko noon
Nung hindi ko pa kilala ang Panginoon
Marami akong tanong na walang sagot
Kasabay ng puso kong nabalot ng takot
Takot na kumain sa pagkatao ko
Takot na nagpatigas ng puso ko
Takot na bumura sa pangalan mo
Takot na ayaw ng maniwala sayo
Sa totoo lang takot na ako magmahal!
Ngunit doon mo sakin nagsimulang ipaunawa
Na ang pag-ibig ay hindi lamang sa tao nagmumula
Kundi sa Dios na lumikha ng bawat umaga
Wala ka pang muang sa mundo
Kasama kana sa aking mga plano
Ikaw ang perpektong nilikha ko
Ang tanging nilalang na pinaka mamahal ko
Mahal kita kahit ako'y iyong pinagtabuyan
Mahal kita kahit di mo ako pinakinggan
Mahal kita kahit ilang beses mo ako sinaktan
Mahal kita kahit ako ang iyong kinalimutan
Ilang beses ko sayo pinatunayan
Na ako ang dapat mong paniwalaan
Paniwalaan mo na totoo ang mga salita ko
Paniwalaan mo na kaya kung baguhin ang buhay mo
Muli mo sanang alalahanin...
Dumaan ka sa kawalan at kahirapan
Ako ang nagpala sayo at naglaan
Dumaan ka sa matinding karamdaman
Ako ang nagbigay sayo ng lunas at kalakasan
Sinubok ka ng panahon at pagkakataon
Na parang walang wala kana
at di mo na kayang umahon,
Tinulungan kitang makabangon..
Wag mo isipin na ikaw ay aking pinabayaan
Kung hindi kita susubukin
Magagawa mo bang akong alalahanin?
Kung hindi ka makakaranas ng sakit?
Maiisip mo pa bang lumapit?
Kung hindi mo naranasang manghina,
sa sarili mo lang ikaw magtitiwala!
Kahit kailan hindi ka nag isa..
Hindi kita iniwan
Hindi kita pinabayaan
Hindi kita hinayaang maagaw ka ng kaaway
Ganun kita kamahal...
Inako ko lahat ng kasalanan mo
Tinanggap ko lahat ng kutya ng mundo
Iniwan ko ang aking kaharian
Para iligtas ka sa sanlibutan
Ibinigay ko ang aking buhay para sayo
Tumigis ang dugo doon sa kalbaryo
Tinanggap ko lahat ng hagupit at sakit
Kasabay pagtusok ng koronang tinik
Uulitin ko, ganun kita kamahal...
Ang pag-ibig ko sayo'y walang katumbas,
Hindi katulad ng mga natanggap mong rosas.
Ang pag -ibig ko sayo'y walang hangganan,
kasing lalim ng dagat sa karagatan.
Ang pag-ibig ko sayo'y hindi mabibilang,
kagaya ng tala sa kalangitan.
Pinili na kita mula pa sa sinapupunan
Hindi kita nililikha ng walang dahilan
Ikaw ay para sakin
at ako'y para sayo
Anak, ako ang iyong Panginoon
Mula noon hanggang ngayon
Ako ang simula at wakas
At ang salita ko ay di kukupas
Ako ang iyong manunubos
ang iyong tagapagligtas
At iyong dakilang mangagamot
Sa krus ako'y napako
Upang tuparin ang pangako
Pangako na iligtas ka mula sa kasalanan
Pangako na bibigyan ka ng buhay na walang hanggan
Pangako na kakasamahin kita sa aking kaharian
Anak, tanggapin mo ang pag-ibig ko
ang pag-ibig na walang katumbas sa mundo.
KAMU SEDANG MEMBACA
PAG-IBIG
PuisiAng pagmamahal na walang kapantay. Sa Dios na nag alay sa atin ng buhay. Subukan mo basahin at damdamin kung paano ang pagmahahal nya sa atin. Author's note: No part of this eBook may be reproduced or transmitted in any form or by any means, elect...
