Krizelle Mayumi's POV
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking sling bag matapos bumaba ng kotse ni Ralph. Ramdam ko ang nagliliparang paru-paro sa aking sikmura na anumang oras ay maaaring lumabas dahil sa kakaibang kabang nararamdaman ko ngayon. Matindi ring pinagpapawisan ang kamay ko na mahigpit namang hawak ng aking kasintahan.
"Hey, Yumi babe, just relax okay? You'll just going to meet my family.", sambit niya ng may matamis na ngiti sa kaniyang labi. Sandali naman kaming tumigil sa paglalakad sa kanilang malawak na hardin. Tanaw ko na ang malapasyong mansion ng mga Fontillas kaya't abut-abot ang tensiyon na bumabalot sa sistema ko ngayon.
"E p-p-pano ko mag r-r-rerelax e, buti sana kung maayos akong babae na pwedeng ipagmalaki.", utal at malungkot na tugon ko sa kaniya. Saglit niyang binitawan ang kamay ko at hinawakan ang maliit kong mukha. "Babe, they aren't eat you like I do.", tatawa-tawa nyang sabi sa akin. Hinampas ko naman ng marahan ang braso nya . "Tara na nga, puro ka kalokohan e.", pairap na sabot ko.
Habang papasok kami ay nagyukuan ang mga maids na nasa bahay nila. Kagyat naman akong nagulat at nahiya. "Manang Rosi, where's dad?", tanong nya sa matandang kasambahay. "Nasa itaas po, master Ralph. Sa office", malumanay namang tugon niyo na mababakas ang paggalang at respeto sa kaniyang kausap.
Mabilis naming tinungo ang lugar na sinabi ng matanda. Heto na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko at may butil-butil na pawis pa sa aking noo. Bago pumasok sa malaking kahoy na pinto ay hinarap ako ni Ralph. Pinunasan nya ang pawis sa noo ko at gayundin sa aking kamay. "Relax, babe. Inhale, exhale." Ginawa ko naman ang sinabi nya at pasalamat ko dahil kaunting nakabawas ito sa kabang nararamdaman ko.
Tok. Tok. Tok. Tatlong beses nyang kinatok ang pinto at sinabing, "Dad, si Ralph to." At tuloy-tuloy kaming pumasok sa silid matapos nyang buksan ang pinto. Tumambad sa amin ang matandang nakatalikod na may hawak na kopita. Mababakas mo rito ang kakisigan ng katawan kahit may katandaan. Parang bumalik sa akin ang nakaraan ngunit hindi ko na lang pinansin dahil baka kamukha lamang.
"Dad, this is Yumi, my girlfriend.", pagkasabi nito ay parang bumagal ang oras habang humaharap ang tatay ng mahal ko. Nang makaharap ito ay sabay kaming nagulat nang makita ang isa't isa. "S-s-siya a-ang t-t-tatay m-mo?", di makapaniwalang sambit ko at nabitawan ng matanda ang kopitang hawak nito.
SI MAGDALENA'Y MARIA CLARA. All Rights Reserved 2018
Don't forget to vote, comment and follow. Thank you soooo much!
- GORBULOUS ❤
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
© All Rights Reserved. Gorbulous. 2018
BINABASA MO ANG
Si Magdalena'y Maria Clara
RandomSimpleng tao lang ako. Oo, maraming nagsasabi na maganda ko dahil sa mapupungay na mga mata, naghuhumiway sa katangusang ilong, magandang hugis ng mga labi, mahahaba at magandang hubog ng mga hita, balingkinitang katawan at kutis na tila porselana...
