Chapter 81

30.5K 858 21
                                    

Chapter 81

"Talagang iniisip nilang maiisahan nila ako. Mga hangal!"

    Isang boses ang umalingawngaw sa loob ng opisina. A sinister smile flashed across his face. His laugh was like a villain whose plans succeeded.

"Louige... Nyx... akala niyo isa akong tanga na hindi malalaman ang plano niyong ito? They underestimated me too much, eh? Matatalino at henyo nga kayo ngunit nasa kalingkingan ko lang ang mga karanasan nyo. Your experiences are not enough to outsmart me."

"Kahit ano pang pilit na niyo na itago ang Monterong iyon, hinding hindi niyo magagawa dahil hawak ko kayo lahat sa leeg. Tsk, tsk. Hindi magandang traydurin niyo ang sarili niyong ama."

    He stood and picked up his phone. He called someone and minutes later, the door creaked open.

"Bitawan niyo ako! I'm gonna tell Lolo about this, you traitors!"

    Tagaktak ang pawis sa noo ng binata habang nagpupumiglas sa mga tauhan na mahigpit na nakahawak sa kaniya. His eyes were murderous as he darted his stares on the smiling man in front of him.

"Hi, Hermes."

"Fuck you!" sagot ng binata pabalik.

"Where's the respect for your Tito, Hermes Montemayor?"

"I cannot accept the fact that the Montero Clan let a traitor like you inside. All along I thought It was Nemesis but it was you, Samson Villaruel."

    Napatawa si Samson sa narinig. Nakakakilabot ang tawa nito, nakakapaninding balahibo.

"Yeah? Hindi niyo matanggap ang katotohanan na nabilog ko kayo?" natatawa pang ani nito.

"Ikaw ang pumatay kay Tito Eros! Ikaw dapat ang tinutugis ngayon at hindi si Nemesis. You're the one who should be punished and executed!"

   Upon hearing what the young man said, the smile on Samson's face widen. Lumapit siya sa binata hanggang sa magkatapat na ang mukha nila.

"Uh-uh. Yes, it was me who commanded to kill that scumbag but he didn't die in my hands. Wanna know who killed him?"

"Shut up! I won't fall for your lies again!What I heard is enough for me to be convinced that you are the traitor among tbe Monteros! K-kung sana ay naniwala lang ako kina-" biglang napatigil si Hermes nang maalala na hindi niya pala pwedeng sabihin kay Samson ang tungkol sa planong sinabi sa kaniya nina Nyx at Louige.

"Anong sinabi sayo nina Nyx at Louige?Akala mo ay hindi ko alam na minamanmanan mo ako at inirecord mo ang sinabi ko ng gabing iyon? You even called them. How fool are you to think that I'm that dumb, huh?"

    Hermes was shocked and tongue-tied. Talagang hindi niya inaasahan na sa simula palang talaga ng pagmamasid niya dito ay may alam na pala ito.

"Salamat sayo at mas mapapadali lamang ang plano ko. The plan that you have recorded was a fake one. My plan was to let you hear that I want to poison the old Apollo tomorrow and let you relay the message to Nyx and Louige to lure out Nemesis out of her shell so I could kill her. Talagang uuwi 'yun eh kapag nalaman niya ang plano ko. May plano pa rin naman akong lasunin ang matanda pero uunahin ko muna ang anak ni Eros na siyang napakalaking balakid sa daan ko" kalmado nitong sabi na parang nagkukuwento lang.

   Agad na nag-init ang ulo ni Hermes at muling nagpumiglas. Sa puntong ito ay nagawa niyang mapaluwag ang kapit sa kaniya ng mga bantay niya at mabilis na napatumba ang mga ito. Akmang kukunin niya ang baril ng isa sa mga tauhan ni Samson at tututukan ito nang maramdaman niya ang isang metal na lumapat sa noo niya.

"Put that gun down or I won't hesitate to pull this trigger," banta ni Samson at malamig na tinignan si Hermes. Napapalatak ito at bigong ibinaba ang baril.

"Bakit mo siniraan si Nemesis? And most importantly, bakit mo pinatay si Tito Eros? Why are you doing this? You are waging a war for your own interest and benefits only! Hindi mo ba naisip na maraming mawawalan ng buhay sa ginagawa mo? Nasaan na ang konsensiya mo?" wika ni Hermes. Napatawa namang muli si Samson na hindi pa tinatanggal ang baril sa ulo ni Hermes.

"Konsensya? Wala tayo noon, Hermes. At saka, akala ko ba matalino ka? Ofcourse my motive is clear! I want to take over the Montero Clan. Gusto kong ako ang mamuno sa organisasyong ito kaya pinatay ko si Eros. Ang pamilya nila ang sagabal sa plano ko kaya natural lamang na patayin ko sila."

"Pero bakit mo idinadamay si Nemesis?" naguguluhang tanong ng binata. Hindi niya maintindihan kung bakit sa murang edad pa lang ng pinsan niya ay gusto na niya itong patayin. What he knew was that Louie wasn't interested in anything that is related to the Mafia world.

"Simple lang - magiging katulad din siya ng ama niya. Alam mo, hindi ko itatanggi na magagaling talaga ang lahi ng mga Montero and Louie simply inherited that kahit na hindi siya sumasali sa mga trainings niyo. Natututo siya sa pamamagitan lamang ng panonood sa inyo."

"Kahit na nawala sa organisasyong ito ang batang iyon ay masuwerte namang nakarating siya sa the Angelus at doon siya hinasa nang hinasa. Naging isang assassin siya simula nang mawala siya sa organisasyong ito. Kahit na naputol na ang koneksyon natin sa kaniya ay hindi lingid sa kaalaman ko na siya ang pumulbos sa The Sin."

"Imposible!" hindi makapaniwalang saad ni Hermes. Lalo na nang malaman niya na ang hinahangaan niyang bata noon na nagpatumba sa sindikatong-organisasyong iyon ay walang iba kundi ang pinsan niya.

"No, it wasn't impossible. So, imagine if I let Nemesis live? Siyempre, hindi ako magtatagumpay. Malayo na ang narating ng batang iyon sa murang edad niya at kahanga-hanga nga iyon. Alam ko na mahihirapan akong hawakan sa leeg iyon."

"And this war isn't just about the Kuro Shiro and the Angelus. Ang mga kaalyansa nila ay kaaway ng mga kaalyansa natin. As the saying goes, the enemy of your enemy is your friend," he said and shrugged his shoulders.

"You really are a fucking son of a bitch," asik ni Hermes. Saglit na tumawa si Samson at sinalubong ng isang malakas na suntok si Hermes. Tumalsik ito at nalasahan agad ang dugo sa bibig.

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, Montemayor."

"Yeah, motherfucker. Sana mapatay ka ni Nemesis. Nagsisisi akong naniwala ako sa mga paratang mo sa pinsan ko. Nagsisisi ako na hinayaan kitang paikutin kami."

"Yeah, unfortunately your regrets are too late. Hindi mo na magagawang isumbong ako at mas lalong hindi mo na mapipigilan sina Nyx na pabalikin si Nemesis dito sa Pilipinas. The mistake you made will be the doom of Nemesis Louie Montero. Sisiguraduhin kong susunod siya sa yapak ng ama niya."

   Hermes' body almost shook as he saw Samson laughing like a mad man. He wasn't afraid for him self but for his cousin, Nemesis. He regretted his tactless action so much because he made Nemesis' life's at stake. Gustong gusto niya na pigilan ang mga pinsan niya na pabalikin si Nemesis pero alam niyang pauwi na rin sina Nyx ngayon at sabay sabay na silang mahuhuli.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now