Pag-ibig,dalawang salita ngunit puno ng kahulugan.
Na nagpaparamdam ng iba't-ibang emosyon .
Ngunit may kaakibat na sakit
Sakit na nararamdaman ko ngayon.
Pag-ibig ang aking inspirasyon
Dahil nagagawa nito akong pasayahin sa anumang oras
Kahit ako'y sukong-suko na
Sa lahat ng pasan kong problema.
Minsan,ito din ang nagdudulot ng sakit sa akin
Sakit na naramdaman ko noong sinabi mo na "wala ng tayo"
Inakala ko na masaya tayo hanggang dulo,pero sa una lang pala
At sa huli tanggap ko na ang lahat.
At ngayon,lagi na kitang hinahanap
Araw man o gabi o kahit maging sa aking panaginip
Dahil sa dalawang salita na gusto kong bitawan bago ka umalis
Na pwede sabihin ninuman ang salitang "mahal kita".
N
gayon ako'y nangungulila at nag-iisa
Nangungulila sa pag-ibig mo
Na kailanman ay pinaghirapan
At ngayon din ay nag-iisa dahil sa ginawa mong paglisan
Sana malaman mo ang tunay na kahulugan ng pag -ibig.
***
Note: Lahat ng tula ay aking gi- nawa at wag niyong kalimutan na mag vote,share and comment!!
At try niyong pakinggan yung"The Labo Song"-Kaye Cal habang binabasa niyo.
YOU ARE READING
Tulang Pangkalahaan.t :)
PoetryIba't-ibang tula para sa ating emosyon . Tula para sa ating minamahal Tula para sa nagmamhalan Tula para sa mga nasawi Tula para sa nais magmahal Please vote share and comment!!
