Azzi

33 0 0
                                    

"Hoy! Azzi! Ano na naman 'to?! Bagsak ka na naman sa lahat ng subjects mo! Kailan ba tataas sa 73 ang grade mo? Mygosh, Azzi!" Heto na naman ang mama kong abot sa kanto ang boses.

"Ma, I'm trying my best naman po eh."

"Trying your best?! Azzi! Second quarter palang ng pasukan ganito na agad? Puro 73 ang marka mo! Sa susunod, kailangan mong makakuha ng atleast 82 or 83 para naman makapasa ka!"

"Ma, passing grade nga na 75 'di ko ma-achieve. Sa tingin mo, kakayanin ko ang 83? Napaka-imposible naman nun, ma!"

"I'll get you a tutor."

Nagulat ako sa sinabi ni ma at literal na nanlaki ang mga mata ko. "No way! Gastos lang po 'yan! And what for ma?"

"To teach you a lesson."

"Gawain po yun ng mga guro sa school."

"Ha-ha, smart kid. But you're not listening in class."

"How did you know? Wait.. don't tell me.." nanlaki ulit ang mga mata ko. "Pumapasok ka rin po sa school, ma? Mas masahol ka po pala sa'kin ma kasi hanggang ngayon estudyante ka pa rin! So don't put the blame on me. Mana-mana lang po."

Mom facepalmed and exaggeratedly waved her hand angrily in the air. "Argh! Bakit ko ba naging anak ang isang tulad mo?!" At padabog siyang umakyat ng hagdan habang hawak ang report card kong medyo gusot na.

"Tanungin mo po si papa! It's the genes!" Pahabol kong sigaw at nakita kong mas lalong nainis si mama. Parehas kasi kami ni papa. As in parehong pareho. Not just by the looks, but also by our characteristics.

By the way, I'm Azzi
Elleirda Chrysanthopoulois. O 'di ba, lakas maka-Greece ng surname namin! Greek daw kasi great grandfather ko na lolo naman ni papa. I'm 17. You can call me Azzi, h'wag Elleirda, ayoko nun. Ospital ang inaabot ng mga tumatawag sakin ng Elleirda.

Tumayo na ako dahil baka malate pa ako. Hindi ko na tinapos ang pagkain dahil 'di ako sanay kumain mag-isa.

Paglabas ko ng bahay naghihintay na sa'kin si Eftihia, best friend ko. "Hi Eftihia!"

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na huwag mo ako tawaging Eftihia? You know I hate my name! Thea would be enough."

"Ah, basta. Mas bet ko ang Eftihia. Ang cute kaya ng name mo! Eftihia Blythe! 'Wag mong ikahiya!" Sumakay na ako sa kotse nya dahil kung maghihintay pa ako bago sya matapos sa litanya nya ukol sa pangalan nya, aabutin kami ng dismissal time sa school ng 'di pa kami nakakapasok. Seryoso 'yon, hindi exaggeration.

"O sige, papayagan kitang tawagin akong Eftihia. Pero Elleirda ang itatawag ko sa'yo." Sabi niya habang sumasakay.

"Subukan mo!" Panghahamon ko. Nakahanda na manuntok tong kamao ko. Subukan nya talaga.

"Ito naman hindi mabiro. Joke lang. Saka ang ganda kaya ng pangalan mo! Azzi Elleirda! H'wag mong ikahiya!" Natatawang ewan niyang sabi. At ginaya niya pa talaga ako. Tiningnan ko sya ng masama kaya pinaandar na nya ang kotse at tinahak ang daan papuntang Haas University kung san kami nag-aaral.

Nangangalahati na kami sa daan papuntang school ng may bigla akong maalala. Kinuha ko ang plain red stationary ko sa bag at ballpen.

"Ano na namang gagawin mo?"

Binuksan ko ang notebook at nagsimulang magsulat. "The usual."

Napairap nalang sya. "Memories?" I nodded. "Balewala lang din yang pagsusulat mo ng mga nangyayari sa bawat oras ng buhay mo."

"At bakit naman?" Mataray kong tanong.

"Kasi darating din yung panahon na mas pipiliin mo nalang na itapon yan."

9:37Where stories live. Discover now