Fangirl x Fanboy

2.8K 82 9
                                    

2:30 na at nandito pa rin ako sa may Henry Sy. Ang usapan lang naman namin ng magaling kong boyfriend ay 2:15 kami magkikita. 2pm kasi ang last class niya. Pero may kailangan lang daw siyang gawin after that.

At dahil sobrang bored na ko, ay nilabas ko nalang ang phone ko. Nag-earphones ako at nagplay ng music.

Now playing: Unlimited & Free- Daniel Padilla

Okay, so paulit-ulit ko siyang pinlay. LSS, dude. Kagabi ko lang 'to dinownload. Napanood ko kasi sa tv yung music video nito. At bilang fan ni Daniel Padilla, eh dinownload ko agad. Ilang beses ko nga siyang pinlay sa dorm eh. Kaya naman nainis sila sakin. Hihihi. Well except kay Mika. Fan din kasi siya eh.

Nag-tweet nalang ako.

@VSGalang: Love is in the air. #DJP

Binalik ko sa home yung phone ko para tignan yung oras. Yung bansot na yun, aba! Late na siya. 2:40 na.

Napangiti ako nang makita ko ang wallpaper ko.

Hayy. Ang sarap titigan.

Ang gwapo gwapo niya talaga. Hihihi. Ang sarap talagang i-kiss.

"Hey Aruh!"

Napatingin ako sa tumawag sakin na nakasimangot pa.

Siya pa talaga nakasimangot ah. Ako dapat yun noh! Pinaghintay niya kaya ko ng matagal. *pouts*

"Why are you kissing your phone?"

Huh?

"You're kissing your phone kanina." nakasimangot parin siya.

Lumapit siya sakin at kinuha ang hawak kong phone. Binuksan niya ito at saka lalong sumimangot.

Kinuha ko sa kanya. Nung binuksan ko, napangiti nanaman ako.

Hayyy. Daniel Padilla is so gwapo talaga. hihihihi.

Inilapit ko ang labi ko sa screen nang nakanguso. Bigla namang inagaw sakin ni Thomas yung phone ko.

"Ano ba?" naiinis na ho ako sa lagay na yan. lol

Hindi siya sumagot at lalong bumusangot ang mukha.

Hihi. Ang cute cute parin ng boyfriend ko kahit nakasimangot.

Pinisil ko ang cheeks niya.

"Aray!" reklamo niya kaya naman binitawan ko na ang pisngi niya.

"Hihi. Sorry baby." hinimas-himas ko pa yung parteng kinurot ko.

"Cute cute mo kasiiiii!" pinangigilan ko uli yung cheeks niya. Sorry naman, di ko napigilan eh.

"Aray! Masakit!" nagpout pa ang loko.

"Sorry di ko napigilan eh." nag-peace sign pa ko sa kanya.

"Kiss mo nalang para di na sumakit." tinuro niya yung parteng kinurot ko.

Ikikiss ko na sana nang may bigla kong naalala.

"1,2,3 paraparaan." tinampal ko yung pisngi niya.

"Baby naman eh." pagmamaktol niya.

"May kasalanan ka pa pala saken ah!"

"Ano naman yun?"

"Hoy Torres! Late ka kayang dumating!"

Napatingin siya sa orasan niya.

"Ah-hehe. Sorry baby."

Akmang yayakapin niya ko pero umiwas ako.

"Ayy.." napasimangot siya.

PhantasmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon