Agad naman akong napatayo mula sa aking kama. Bago pa mangyari ang dapat na mangyari bukas ay kailangan ko nang gumawa ng paraan.

"Anak, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni daddy na nagulat sa aking biglang pagkilos.

"I'll do what I have to do," I said to my father before going outside of my room.

Nakasalubong ko naman si mommy na patungo pa lang sa aming hagdanan habang ako'y pababa na. She smiled when she saw me. Hindi ko ginantihan ang kanyang ngiti at nilagpasan na lamang siya.

"Zarina..." she called me right before I can even go outside of our house.

I stopped from walking, but I didn't bother turning around to look at her. Sabihin niya na ang gusto niyang sabihin dahil ayaw ko nang mag-aksaya pa ng oras.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

I gritted my teeth and closed my fists, trying to stop myself from shouting at her because she's my mom. I did my best to calm myself before I answered.

"Wala po tayong dapat na pag-usapan," mariin kong sabi. "I'm sorry but I need to go out tonight."

Hahakbang pa lang ako ulit ay muli na siyang nagsalita.

"I want to talk to you about Jace..." she said. "Please, anak..."

Parang nilalamutak ang aking puso nang tawagin niya akong anak. Pakiramdam ko'y wala siyang karapatang tawagin akong anak gayong hindi naman siya naging isang ina sa akin sa napakahabang panahon. She was only a mother to me whenever I'm doing something in her favor but if not, she doesn't see me as a daughter. She only sees me as someone who's like her apprentice.

"Masaya ka na po ba, mommy?" Hindi nakatakas ang pait sa aking tinig. "You already got what you want even if it means breaking another person's life... Even though your happiness is breaking your own daughter's heart, you wouldn't care. Hindi ang pakanan ko ang iniisip mo, mommy... Sarili mo lang ang iniisip mo. Dahil kung para sa akin ang lahat ay iisipin mo rin ang mararamdaman ko!"

Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko habang patuloy lamang sa paglandas ang aking luha.

"You shouldn't let the one that you love suffer, mom. That's how you're supposed to love..." I told her. "And if you can't do it, I'll be the one to do it. I wouldn't let Jace suffer."

Mabilis ang aking pagmartsa palabas ng aming bahay. Habang nagmamaneho ay tinawagan ko ang numero ni Jace. Hindi niya naman ako binigo at agad ding sumagot sa aking tawag.

"Hello―"

"Jace..."

Napatigil siya agad sa pagsasalita nang ako ay magsalita.

"Zarina? Is anything okay? Bakit ganyan ang boses mo?" Agad niyang napuna ang lungkot sa aking boses. "Where are you? Nasa bahay ka ba ninyo? Pupuntahan kita."

Umiling ako kahit na alam kong hindi niya naman iyon nakikita. "Let's meet outside, Jace..." sabi ko sa kanya, nanginginig ang aking boses.

"Where?" he frustratedly asked. "Damn it, are you driving?! Please, calm down, Za... Stop wherever you are right now. I'll come straight to you."

"Ma-Magkita tayo sa park ng subdivision ninyo..." nauutal kong sabi. "Medyo malapit na ako."

"Okay... Okay..." Hindi na niya malaman ang kanyang sasabihin. "Drive safely, please..."

Bumuntong hininga na lang ako at saka pinatay ang tawag upang gawin ang kanyang gusto na mag-ingat ako sa pagmamaneho.

I was able to spot Jace's car right away when I was already near the park. His car's headlights were lit that made me notice him in an instant.

Arctic Heart [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon