Nagising ako dahil sa huni ng mga nagkakantahang ibon.
Ang liwaliw ng mga dahon dulot ng hangin.
Sa sinag ng araw na sumisilay sa mga bintana. Isinuot ko ang aking salamin sa mata at nagtungo pababa sa kusina. Nakita ko si Liz na natutulog parin sa ibabaw ng ref.
"Miming... Gising naaa... Ming"
-meow
At nag stretching si Liz. Tung pusang talagang to, napakatamad. Haha. Kung di ko lang to mahal... Kinarga ko si Liz sa aking mga kamay at parang wala lang naman sa kanya kasi natulog ulit.
Isang bagong umaga na ako nanaman mag isa. Minsan naiisip ko kung saan ang aking mga magulang. Sino ang nagbibigay ng mga pangangailangan ko? Sino ang nag Aruga sakin nung musmos pa lamang ako?
Hay nako, di ko talaga maalala kahit anong gawin ko eh.
Nagising nalang ako sa isang umaga na parang normal lang ang lahat. May bahay ako, kumpleto ang kagamitan, may pusa na pinangalanan Kong si Liz kahit di ko naman sya tinatawag na Liz kasi miming naman, hay nako, hirap.
Napabalikwas ako ng pag iisip dahil gumalaw si Liz at nag 'meow' nagugutom siguro...
Matapos Kong magluto, ay kumain na ako at binigyan ko na rin si Liz ng sa kanya.
Nagtungo ako sa banyo pagkatapos at nagbihis para maghanda sa skwela.
Oo, nag aaral ako. Grade 12 ako ngayon, pero ang ipinagtataka ko ay nakapag aral kaya ako ng elementary? Nang tignan ko kase ang records ko meron naman. Sa private school nga daw ako nakapag aral sabi nung babaeng nasa Mid 20's na tinanong ko. Pero, bakit wala akong maalala?
Hays makapunta na nga ng school.
Walking distance lang ang school ko mula dito sa bahay KO. May mga naging kaibigan ako nung grade 11 pero di ko Alam kung makikita ko pa ba sila.
Ngayon ay naglalakad ako dito sa campus, masyadong napakarami ng nagkalat na estudyante di naman siguro obvious dahil first day of class. Haha.
Nakita ko na ang number ng room na papasukan ko nung itext ito sakin kaya nagtungo ako dito.
Habang naglalakad napatingin ako sa gawing kaliwa kase parang may tumitingin sakin pero wala naman, nang humarap ako, bigla nalang akong nabangga ng isang lalaki, tinitigan ko lang sya kasi di ko Alam ang gagawin ko. Ako ba yung may kasalanan o sya? Haha di bale na nga.
Pero ang ipinagtataka ko ay tumititig lang din sya sakin habang nakakunot ang noo.
Para itong staring contest dahil sa pagtitinginan naming dalawa. Hmm, parang ayaw mag paawat ah, kinuha ko ang paminta na nasa bulsa ko. Yes, paminta meron ako nun para pang self defense. Isasaboy ko na sana sa mukha nya nang bigla lang itong umalis na parang wala lang.
Napano ang lalaking yon? Tch.
Nagpatuloy nalang ako sa aking paglalakad patungong classroom.
Sa wakas at nakarating na ako. Dahan dahan Kong pinihit ang pintuan at nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakita ko ang mga ibat ibang estudyante which is mga kaklase ko. Tinitignan nila ako ng parang may iba sa akin. Well, kung pagkakaiba ang pag uusapan siguro pasok ako Jan. Eh pano kase yung buhok ko ay kulay dark green. Oo talagang yan ang kulay nya. Di ko yan kinulayan ha. Ganyan na talaga. Ewan ko ba kung bakit ganito hays...
Dumiretso ako sa bakanteng upuan at inilapag ko ang aking bag sa bandang kanan ko. Inirapan ko ang mga nakatingin sa akin kung kayat nag Iwas na sila. Tch.
Tinuon ko nalang ang aking attention sa pagbabasa ng wattpad. Ito lang yung libangan ko eh. Sa totoo nyan ay mahilig akong magbasa ng mga fantasy at fiction. Napabalikwas ako ng bumukas ulit ang pinto at pumasok ang isang lalaking may puti puti ang buhok siguro nasa mid 30's sya, naka suit and tie kulang nalang brief case para parang lawyer na tignan. Haha. Napakapormal naman ni ser. Pero mas nakuha ng attention ko ang peklat nya sa mukha na parang ekis sa bandang kanan ng kanyang mata...
"Good morning"
Bati nya sa amin sa plain na Boses. Di ba sya nakapag agahan? Tch.
"Good morning sir"
"Ngayon dahil first day of school as usual magpapakilala muna tayo sa isat-isa, ako si Rin Fernandez ang inyong class adviser, kayo na ang magpapakilala mag Simula tayo mula sa pinakadulo"
Hays ang boring naman. Sanayan na siguro ito no? Boring Ang life boring ang lahat boring ang estorya ng buhay ko. Minabuti ko na lamang na magbasa habang nagpapakilala sila.
"Miss..."
"Miss ikaw na ang magpapakilala"
Sabi nung katabi Kong babae sakin habang kinakalabit tagiliran ko ng paunti unti.
I smiled at her as a sign of gratitude. Hays ang pagod kayang magsalita.
Tumayo ako at nagsmile ng bongga sa lahat.
"Hi my name is Zenith Jade Montales. You can call me Jade for short"
Umupo ako bigla ng matapos ang aking pagpapakilala. Ngunit di parin sila nagsawa katitingin sakin pati si sir Rin, at tumayo pa ito na may Sabay kunot ng noo.
"Miss Zenith Alam moba na isa sa school rules ay ang pagba bawal mag pa kulay ng buhok? O transferee ka lang dito?"
Tumayo ako at ngumiti sa kanya.
"Umh, sir natural lang po tung buhok ko"
-"Miss Zenith, matagal na ako sa intitusyong ito kaya wag mo akong sabihan na natural lang ang buhok mong yan, kayong mga bata talaga"
"Pero sir totoo po, natural lang ang dark green Kong buhok. Di po ako transferee dito po ako ng grade 11 at na---"
Patay ayaw maniwala ni sir, habang nagsasalita ako itinaas nya ang kanan nyang kamay dahilan upang mapatigil ako.
"Enough of the lies Miss Zenith, get out of my room I don't want to see that hair of yours."
Di na ako nagpaligoy ligoy pa at lumabas dahil sa Utos ni sir. Tch. Parang buhok lang palalabasin nako agad? Sige sya? Wala syang top 1 sa klase kasi nandito ako sa labas. Haha. Hay nako... Umuwi ako sa bahay kase wala naman din akong ibang mapupuntahan.
Pagpasok ko, parang may kakaiba. Wala naman sigurong may nanloob diba?
Pero iba talaga eh. Sa kaliwa ng bahay nato, may di Ako pinupuntahan. Ang pintuang may mga kung ano anong nakasulat. Tch.
Nang biglang may...
Booooogsh!
Nagulat ako, kaya napaatras ako...
Dahan dahan akong nagtungo papunta doon, pinihit ko ang pintuan ng dahan dahan at bumungad sakin ang isang Hardin na puro itim ang bulaklak? What!? Itim?
Naglakad ako dahan dahan pero parang nahihilo ako, di na ako nakahakbang ulit at nilamon na ako ng pagkahilo.
*****
Haha lame, hi! Sorry sa boring na storya ni Zenith. Hihihi. Hahaha.
Pers taym eh. Hihihi.
YOU ARE READING
The Boundary
FantasyNabubuhay si Jade kahit wala siyang pamilya. Paano? Kasi nang mamulat sya sa mundo lahat ng pangangailangan nya ay nasa loob ng kanyang tahanan. Lahat. Lahat. Naiisip nga nya kung sino ang nag aaruga sa kanya nung bata pa lamang sya ngunit di na niy...
