Angel L

3 0 0
                                    

Isang araw sa kalangitan, nagusap ang Great Guardian at ang Scheduler




"Masaya ako na lahat ng tagapagbantay na isinusugo natin sa lupa ay patuloy na ngang natututo ng tamang pakikisalamuha sa mga tao, at pagiging matiyaga sakanilang mga binabantayan". Saad ni Great Guardian habang pinagmamasdan ang nagkakasiyahang mga anghel.





"Ako man ay nagagalak din Great Guardian sapagkat patuloy na nga silang lumalago sa kanilang pagiging guardian. Sana ang mga susunod naman nating ipapadala sa lupa ay kagaya rin ng mga nauna." Sagot ni Scheduler sabay tingin sa mga batang anghel na tumutugtog ng Lira.




Pinatawag ng Great Guardian ang mga munting anghel upang kanyang basbasan sa kanilang misyon upang maging mahusay na tagapagbantay din balang araw.





"Binabasbasan ko kayong lahat na lumaki kayong isang mahusay na tagapagbantay sa lupa ng hindi gumagamit ng kahit na anong kapangyarihang ipinagkaloob sainyo bagkus gamitin ninyo ang regalong ipinagkaloob sainyo ng Dakilang Lumikha".















Makalipas ang Mahabang Panahon sa Kalangitan....











Nagpatawag ng pagpupulong ang Great Guardian..



"Panahon na upang ipadala kayong mga bago sa kanya kanyang lugar upang maisagawa ang inyong mga misyon."





Pagkatawag ko ng inyong mga pangalan ay ipapadala na kayo sa lupa.





Angel Saafa




Angel Mira





Angel Isabella






Patuloy na nagbabanggit ng pangalan ang Great Guardian.





At







Angel L









"Ang mga pangalang natawag ko ang naobersahan kong handa ng gawin ang misyon. Bukod sa pagiging mahusay na tagapagbantay, misyon niyo rin ang labanan ang anumang bagay na may kinalaman sa mundo. Alam kong hindi magiging madali sapagkat pagbabawalan kayong gunamit ng kahit na anumang kapangyarihan. Ang sinumang gumamit ng kanyang kapangyarihan ay mababawasan ang tyansang makabalik pa dito sa kalangitan. At ang sino namang sumuway at paulet ulet na gumagamit ng kanyang kapangyarihan ay hindi na mkakabalik pa sa kalangitan at tuluyan ng magiging isang normal at ordinaryong tao. Tandaan din ninyo na kapag natuto kayong makisalamuha ng tama sa mga tagalupa, mabuti man o masama ang inyong matagpuan, ay mapapadaliang paghahanap niyo sa kung sino ang totoo ninyong misyon. May mga senyales akong ipapadala kung ako'y hindi nasisiyahan sa inyong mga ginagawa sa lupa bukod sa pagamit ng inyong kapangyarihan. Ang mga senyales na iyon ang magbibigay sainyo ng kaalaman at magtutulak sainyo na gawin kung ano ang tama at makalulugod sa kalangitan."






Handa na ba kayo sainyong unang misyon? Saad ni Great Guardian habang lumalakad papunta sa gitna ng pulong.







"HANDA NA KAMI GREAT GUARDIAN!" Sigaw ng mga anghel na bababa na ng lupa.






Nauna ng ipinadala sa lupa ng Great Guardian ang mga naunang natawag na anghel. Ngunit ang kahuli-hulihang anghel ay kinausap muna ang Great Guardian bago tuluyang bumaba sa lupa.






"Great Guardian, alam ko pong wala ko sa lugar upang itanong po ito sainyo. Pero nais ko lang pong malaman niyo ang saloobin ko bago niyo po ako pababain." Wika ng isang anghel na nagngangalang L.










"Ano ang iyong saloobin ukol sa misyon Angel L?" Tanong ng Great Guardian ng nakakunot ang noo.








"Alam niyo naman po na masyado ng delikado ang mundo ngayon. Kaya hindi po namin maiiwasan gumamit ng aming mga kapangyarihan Great Guardian. Paano po kapag dumating kami sa punto na wala na kaming ibang maaaring gawin kundi ilabas ang aming mga kapangyarihan?" Nagpapaliwanag na tanong ng anghel.











"Naniniwala kong hindi lang ikaw may lakas ng loob na magtanong sa akin nian sa mga naunang anghel. Pero sa tingin mo bakit sa dinami dami ninyo ay ikaw lamang ang bukod tanging nagiisip na hindi mo kayang hindi gumamit ng iyong kapangyarihan sa lupa?" Nakangiting pabalik na tanong ng Great Guardian.








"Patawad mahal na Great Guardian marahil nagdududa lamang po ako sa aking kakayahan kung wala ang aking kapangyarihan. Patawad po." Sabay yuko ng anghel at naghahanda na nga sa kanyang misyon.







"Kagaya nga ng sinabi ko kanina, maaari mong gamitin ang regalong ipinagkaloob sayo. Mga regalong natural na mayron ang isang tao at isang anghel. At malalaman mo iyan habang isinasagawa mo ang iyong misyon. Ngayon, ipapadala na kita sa lupa." Wika ni Great Guardian at patuloy na ngang naglaho sa kalangitan ang mga anghel na magsasagawa ng kanilang misyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Secret Guardian AngelWhere stories live. Discover now