Siguro nga hanggang dito na lang ako,
Nasa malayo habang nakatingin sayo.
Nakatitig sayo habang may iba kang kasama.
Gusto ko sanang hilingin sayo,
Hilingin na sana, sana ako nalang.
Sana wag nalang sya,
Sana ako nalang ang kasamat minamahal mo.
Pero siguro nga hindi nararapat,
Hindi maaari,
Dahil kahit ano pang gawin ko sayo,
Kung iba talaga ang gusto mo
At hindi talaga tayo tinadhana,
Wala akong magagawa.
Kaya ngayon ang tangi kong hihilingin mula sayo ay sana,
Sana maging masaya ka
Dahil hindi ko ipipilit ang sarili ko
Kung patuloy lamang akong masasaktan
Habang minamahal ang taong sa akin ay hindi nakalaan.
