The Meet

12 0 0
                                    

Bigla akong nasiyahan nung nakita ko yung sulat niya saken at kinilig, pag ka tapos nung araw na yon. Pumunta ako sa pinaka malapit na computer shop at tinignan ko sa facebook yung name niya pero hindi ito lumitaw. nalungkot ako at parang gusto kong mag wala sa loob ng computer shop.


At nung lumabas nako sa computer shop, bigla kongn akita yung kasama niyang babae sa simbahan at tinanong ko kung saan siya naka tira pero ang sagot ni girl "Sorry pero hindi ako basta basta nag bibigay ng impormasyon sa mga hindi ko ka-kilala" Pero ate. "Hay nako bahala kana dyan." o sige po ate thank you nalang po. Sambit ko don kay ate na kasama ni ate girl sa simabahan.


Limupas ang ilang araw, ilang linggo, ilang buwan hindi ko na nakita si ate girl at miss na miss kona siya. pero wala akong magagawa kung hindi mag dasal nalang kay lord na sana wag niyang pababayaan si ate girl at bigyan niya ng lakas ng loob upang harapin ang mga pag-subog niya sa buhay.


Naka move on nako kay ate girl ( kahit walang kame) at ginawa ko yung mga bagay na magpapasaya sakin pati narin sa mga magulang ko. tinulungan ko si mama na mag tinda ng kung ano ano. Pag ka tapos kong tulungan si mama makikipag biruan naman ako sa mga pinsan ko at kinakapatid. Araw araw ganong ako, makalimutan ko lang si ate girl.


At isang araw dumating yung araw na kinakatakutan ko. biglang dinala si mama sa hospital kase yung isang paa niya ay napaparalisa dinala siya sa emergency room at pag labas ng doctor bigla kong hinila at tinanong ko kay doc kung ano ang lagat ng mama ko at sabi ni doc "Dont worry Mr.Gomez she will be okay soon" at naka hinga nako ng maluwag nung sinabi ni doc sakin yon. at ilang linggo lang naka labas na si mama sa hospital at pinag pahinga ko muna siya, habang ako muna ang mag titinda sa tindahan niya.


Sa susunod na araw habang nag titinda ako may isang mama ang bumili ng mais at sinabing "Boi may nag hihintay sayo don" naguluhan ako at inisip ko sino naman kaya nag hihintay saken. at bigla akong hinatak ni manong at dinala niya ako sa kanto. at nung nakita ko siya bigla akong natameme. Hindi ko inaasahang makikita ko siya muli.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hopeless RomanticWhere stories live. Discover now