"Kinalulungkot ko ang nangyari sa magulang mo sa katanungan mo naman kung may bampira dito ay wala dahil hindi nila kayang pumasok dito at wala silang alam tungkol sa mundo natin" sagot niya

"Wag kang magaalala hinding hindi kita pababayaan nandito lang ako sa tabi mo ano pa naging girlfriend mo ako" sabi niya at niyakap ako . Hay girlfriend ko na nga siya kelangan ko ng tanggapin.

"Teka lang iwan muna kita saglit may kakausapin lang ako diyan ka lang" sabi niya at tumakbo ng mabilis parang si flash babaeng version nga lang.

Hindi ko maiwang ma amaze sa mundong to dito pala nakatira ang magulang ko pero bakit sa mortal world nilang napiling manirahan?

"Pssst pogi" hindi naman ako lumingon mahirap na masabihang assuming alam kong pogi ako kaya nga madaming nanliligaw sa aking babae pero alam niyo yun confused pa ako pero nagbago mula nung makilala ko si er-

"Hoy kanina pa kita tinatawag" boses ng babae at naramdaman kong may nagkuwit sa akin

Paglingon ko isa nanaman diyosa tulad ni erika

"Kelangan mo papala kuwitin bago ka lumingon sa akin" sabi niya na nakangiti hindi ko tuloy maiwasan ngumiti nakakahawa eh

"Pasensiya na miss akala ko hindi ako yun tinatawag mo alam mo na mahirap kasin—" hindi ko na napatuloy dahil hinarang niya ang index finger niya sa bibig ko para tumigil sa pagsasalita

"May kasama ka ba?" Tanong niya at bakit naman niya ako tinatanong?

"Ha?" Tanging nasabi ko

"Kasi kung wala can you be my date today?" Diretsahan niyang sabi at binigyan ako nang nakakaakit na ngiti napalunok na lang ako ganito ba ang mga babae dito sa mundo nila mom?

"Sorry miss hindi siya available" sagot nang pamilyar na boses at si erika po yon na seryosong seryoso

"At bakit naman sino ka ba? Pwede ba wag kang sumawsaw sa usapan namin" mataray na sagot ng babae

"Ako lang naman ang girlfriend ng nilalandi mo kaya ngayon pa lang umalis ka na sa harap ko kung ayaw mong paglamayan ka ng pamilya mo" nakakatakot na sabi niya kahit ako mapapasunod niya dahil sa aura niyang yun nakita kong napalunok yung babae "sorry" sabi niya at kumaripas ng takbo sus takot din pala

"Ikaw hindi pa ako tapos sayo" sabi niya sa akin ako naman ang hindi mapakali parang maiihi ako sa takot

"Ha ano nanaman ginawa ko?" Sabi ko

"Tinatanong mo ako niyan umalis lang ako saglit may kalandian kana" singhal niya sa akin napatingin naman ako sa paligid at sa amin ang atensiyon nila nakakahiya

"Hinaan mo naman ang boses mo nakakahiya" suway ko sa kanya at lalo pa yun nagpakunot sa noo niya

"Wala akong pakialam sa kanila. Pag hindi pa ako siguro dumating sumama ka na sa kanya noh ang galing mo din" naiinis na sabi niya nakakatakot magselos si erika jusko lord mahal ko pa buhay ko. Promise hinding hindi na ako makikipag usap sa babae ayoko pa mamatay

"Hoy nakatunganga ka diyan. Siguro iniisip mo yung babaeng yon noh? Ano sagot" galit na talaga siya

"Paano ako makakasagot kung hindi mo ako hinahayaan magsalita?"inis na sabi ko sa kanya at tumayo na

"Subukan mong mangbabae nako clark itatali kita ng latigo ko" pagbabanta niya at seryoso ang mukha niya

"Oo na manlalake na lang ako" pangaasar ko na kinataas ng kilay niya. Taray talaga

"Anong sabi mo?" Taas na ng boses niya

"Wala sabi ko ang ganda mo" sabi ko na lang

"Hindi eh iba yung narinig ko" sabi niya ma hindi kumbensido sa sinabi ko

Kei Academy - New Generation (Book 3)Where stories live. Discover now