"Guys ano ba! Mahiya naman kayo kay Psyche! Namamaos na kakasaway sa atin ang president!"
Langya talaga itong mga classmates ko. Walang araw na hindi kami pinapasigaw. Araw-araw umiiyak ang president namin tapos ngayon eto namaos na yata.
Kinuha ko ang chalk sa drawer ng table ni Ms. Athena. Sinulat ko sa gilid ng pisara ang 'Noisy' at pinasadahan sila ng tingin isa-isa.
May iba talaga na makakapal ang peslak. Walang takot na mailista pero kapag nakita ang pangalan nila sa board eh magrereklamo.
Dagul
Bungisngis pa. Akala niya hindi ko nakikita na binabato niya ng buto ng sampalok si Ares, ang guy version ni Hera. Spell Nerd.
"Hoy panget ano yan? Bakit nandyan na naman ang pangalan ko? Ayos ah!" Naningkit ang mata ko nang tignan siya. Panget? Abnormal talaga.
"Pwede ba Dagul manahimik ka diyan! Nakita ko ang ginagawa mo. Kung ayaw mong gawing times three itong pangalan mo na nakasulat dito at maubos ang pera mo pambayad, kung ako sa'yo ititikom ko na lang ang bibig ko!" Natatawa na lang ng mahina ang iba naming classmates. Ang iba nagbabasa at ginagawa ang seatwork na iniwan sa amin ni Miss Athena bago sila nag meeting.
Tinitigan niya ako ng masama pero syempre dahil walang epekto sa akin ang bully na ito, inirapan ko lang siya.
"Panget na nga bungangera pa." Bulong niya.
"Alam ko cute ako, Huwag mong paulit-ulitin" Balik ko sa kanya. Nag 'tss' lang siya.
Araw-araw palaging nasa listahan si Dagul. Minsan siya lang din talaga ang nakasulat sa board. Napupudpod ang chalk dahil sa dami ng times na inilalagay ko kay Dagul. Ayaw talaga tumahimik!
Friday ngayon at kuhaan na ng card at syempre normal na papayuhan ng adviser namin ang parents namin tungkol sa performance at behavior namin lalo kung hindi maganda.
"I'm very sorry for the parents of these three students na hindi nakapasa ngayong fourth grading period. Don't worry kasi may chance pa naman po ang mga anak ninyo para makahabol. Pwede ko pa rin naman silang malagyan ng grade. Eto ay kung magagawa nilang ipasa ang exam na manggaling mismo sa DepEd.
Clueless kami sa possible questions doon pero kung rereviewhin lang nila ang mga naging past lessons namin ngayon fourth grading, sigurado akong masasagot nila ang mga katanungan doon at makakapasa."
Sinulyapan ako ni daddy. Tss. Hindi ako yan. Top five kaya ako sa klase hehehe.
Dumaan ang sabado at linggo. Puro pagbabasa lang ang ginawa ko. Hindi naman ako sa matalino e sadyang kapag alam kong kailangan magreview at magpasa ng projects, ginagawa ko. Malalagot kasi ako kay daddy.
"Nandito ba sina Abad, Adeser at Allarde?" Tanong ni Miss Athena nang sumilip siya sa room namin.
Tumaas ang kilay ko. Anong kailangan sa aming tatlo? Isa ba ako sa mga bumagsak? Kinabahan ako bigla. Teka, baka hindi? Kasi imposibleng bagsak din si Hera eh Valedictorian kaya namin. Pero bakit nga kaya?
Pinatawag kami sa faculty at kinausap. Tatlo daw sa mga classmates namin ang kailangang i-review. Next next week daw dadating ang exam nila. Kami lang daw iyong maaasahan ni Miss Athena.
"Miss, wala po ba sina Asuncion at Aguado?" tanong ko. Top four si Asuncion top three naman si Aguado. Bakit ako? Hassle naman.
"Hindi pwede si Asuncion dahil working student siya. Si Aguado din nagrereview dahil after graduation ay lilipad na siya sa Newyork para doon mag-aral." In short, no choice ako.
Napa 'ah' nalang ako. Tahimik naman sina Hera at Ares.
"Abad, ikaw kay Kojin kasi siya iyong pinaka-kailangang matutukan at alam kong matutulungan mo talaga siya. Adeser ikaw kay Adelano, ay hindi si Alcaraz na lang. Palagi ka nga palang ginugulo ni Adelano baka hindi niya seryosohin kapag ikaw ang humawak sa kanya." Hala!
