-----54th string-----

Start from the beginning
                                        

“AY EWAN KO SA INYO! Ano nang gagawin natin, sige nga?”

“Alam ko na! Kailangan mong magsuka para mas kapani-paniwala.” – Nami

“ANO?! Pano ko naman gagawin yun ha? Muka namang napaniwala ko si Vano e!”

“Sige na! Tuturuan kita magpilit ng suka tapos papaderetsuhin namin sya sa banyo. Pagpasok nya, kunwari mahihimatay ka na tapos sasabihin namin sa kanya na buhatin ka papunta sa kwarto nina Iyah. Tapos dun mo na gawin ang Song Yi style!” proud na proud na sabi ni Nami.

“A...ano!? nahihibang ka na ba?”

“Nami puro ka kalokohan.” – Kimee

“Pabalik na si kuya Ivan gawin nyo na kung anong dapat nyong gawin.” Pabulong na sigaw ni Iyah samin habang nakadungaw sa bintana dahilan para kaladkarin ako ni Nami papasok ng CR.

“Dali ganto ate Leng. Tusukin mo ng hintuturo mo yung lalamunan mo.”

“Haa? Ayoko nga! Wag na natin tong ituloy!”

“Dali na! Sige ka aakitin ko si kuya Ivan!”

At dahil feeling ko wala naman akong choice, sinunod ko na lang sya. Tinusok ko ng tinusok ang lalamunan ko hanggang sa pakiramdam ko pati bituka ko ay gusto ko nang ilabas. Sumuka ako sa lababo. Kulay violet. Eto siguro yung champagne. Okay na din siguro to para mailabas ko din yung tubig gripong nilagok ko kanina. Tuloy lang ako sa pagsuka hanggang sa mapait na yung lumalabas sa bibig ko kaya lalo akong nasusuka. Sakto namang dating ni Vano.

“Hey... You alright?” tanong nya nang nagbigay daan si Nami para mahimas nya yung likod ko.

“Hala bat ka dyan sumuka magbabara yung lababo.” Sabi ng may bahay na si Iyah at mukang tama nga yung sinabi nya. Binuksan ko yung gripo at nagmumog dahilan para lalong bumaha sa lababo. Hiyang-hiya na ko sa mga nangyayari. Nasa likod ko si Vano at amoy suka na ko.

“ARGH” sabi ko nang nakatingala. Tama na siguro yung nailabas ko para maniwala na si Vano. Nanlalambot na ko.

“Better?” tanong ni Vano kaya napatingin ako sa kanya. Papalabasin ko na sana sya kasi nga baha ng suka yung lababo at hiyang-hiya na ko pero nakita ko si Nami sa likod nya at sinesenyasan nya kong mahimatay na.

Sinunod ko naman sya. Sumandal ako kay Vano at kumapit sa damit nya. Sinalo nya naman ako at niyakap para di tuluyang matumba.

“OH MY GOSH ATE LENG! Kuya Ivan ihiga mo na sya dun sa taas!” sigaw ni Nami at naramdaman ko ang pagtulak nya samin ni Vano palabas ng CR. Mariin kong pinikit ang mata ko.

Sana lang di ganun kalakas ang sigaw ni Nami kasi baka marinig kami ng mga pinsan kong lalaki sa kabilang bahay. Paktay kami pag nagkataon.

Naramdaman ko na lang na nasa mga braso na ko ni Vano at umaakyat na nga kami sa hagdan. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib nya kasi baka mapatawa ako ng di oras. Ramdam kong kasunod namin ang mga pinsan ko.

Hiniga nya ako sa kama. Narinig ko pang may mga hinihingi syang planggana at bimpo sa mga pinsan ko.

Ilang minuto pa ang lumipas na nagdarasal ako at humihingi ng tawad kay God dahil sa kalokohang ito. Mukang nakuha na ni Vano ang mga hiningi nya sa mga pinsan ko kasi naramdaman ko ang pag-upo nya sa tabi ng kama. Narinig kong hinabilin ako ni ate Cams kay Vano at kasunod noon ay ang tunog ng pagsarado ng pinto.

SHET. DES ES ET.

Nang makaramdam ng basang bimpo sa noo ay minulat ko na ang mata ko. Nanlaki ang mata nya marahil sa gulat. Bumangon ako at tinitigan sya.

Siningkit ko ang mata ko at kumurap ng maraming beses. Hindi ko alam kung ganto ba ko pag lasing pero bahala na.

Nanatili lang syang nakatingin sa’kin at magkasalubong ang kanyang kilay.

Mariin akong pumikit at humugot ng matinding lakas ng loob.

“Faye?”

Lord, sorry po.

Pagewang-gewang kong nilagay ang mga kamay ko sa magkabilang braso nya at tinitigan sya.

Lalong kumunot ang noo nya sa ginawa ko.

I’m sorry Vano, but I really have to know if the feeling is mutual.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya habang nagbibilang ng 15 seconds countdown sa utak.

DES ES RELE ES ET.

Kailangan kong ilapit ang mukha ko sa kanya. Pag hinalikan nya ko, ibig sabihin gusto nya din ako. Pag naman hindi... Goodbye forever. CHAROT

Unti-unti, dahan-dahan ang paglapit ko sa mukha nya. Ngayo’y isang dangkal na lang ang pagitan namin. Hanggang dito na lang dapat ako pero ngayong tinititigan ko ang labi nya ay hindi ko na magawang pigilan ang sarili ko...

5...

4...

3...

2...

O.O

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now