-----54th string-----

Start from the beginning
                                        

..................................

“Where is she?” narinig kong boses ni Vano pagkapasok  na pagkapasok nya ng bahay nina Iyah.

“Ayan nako Ivan. Hindi ko alam kung anong problema ng babaitang yan at nagpapakalasing. Ayan tuloy, plakda.” Dinig kong sabi naman ni ate Cams kay Vano.

Nakahiga ako dito sa sofa nina Iyah at nagpapanggap na lasing. Oo, nagpapanggap lang. Kailangan kong gawin ito para magkaroon ako ng pagkakataong gawin yung ginawa ni Song Yi kay Do Min Joon.

Medyo minulat ko ng konti yung mata ko para makita ko kung ano nang nangyayari. Ang mga pinsan ko ay nakatutok kunwari sa TV pero alam kong hinihintay nila ang susunod na mangyayari para sa plano.

“Nalasing sya sa champagne?” takang-takang tanong ni Vano habang nakatingin sa bote ng Chamdor.

“Naku hindi. Kanina champagne lang ang iniinom namin eh ayun naghalungkat sa kusina at nakakuha ng isang bote ng T-Ice. Nilagok pa ng walang mintis. Ayan tuloy naghalo kaya siguro tinamaan.”

Paliwanag ni ate Cams at itinuro ang isang bote ng T-ice na walang laman katabi ang isang basong may kaunti pang laman.

“T-Ice?” sabi ni Vano at akmang kukunin ang baso kaya naman agad akong bumangon at napilitang nilagok ang lahat ng laman noon.

Tubig lang naman yon kasi wala naman talagang T-Ice. Wala naman talagang malalasing sa champagne kaya naghanap kami ng kahit empty bottle ng liquor at ito nga ang nahanap namin. Dahil sa pagmamadali at baka makabalik na si Blaire, tubig sa gripo ang nailagay ni Nami sa baso para kunwari T-ice. Hindi ko naman dapat iinumin yon dahil props lang pero kung hindi ko gagawin yon, malalaman ni Vano na hindi T-ice yung ininom ko, na hindi ako lasing, at hindi na matutuloy ang balak namin.

Gulat na gulat ang mga pinsan ko sa ginawa ko. Lahat sila ngayon ay nakatingin sa’min.

“Leeanne Faye.” Saway sa’kin ni Vano. Napatingin ako sa kanya at nabakas ko ang inis nya sa’kin. Ginewang-gewang ko ang upper body ko habang nakaupo sa sofa.

This is it. Let the drama begin.

“VANoooo0000oooOOOoooo! Ikaaaaaaw pala y...yaaaan!” salita ko na nilalaksan ang boses para lasing ako kunwari.

“You do love being drunk, don’t you?” sabi nya na nakahalukipkip sa harap ko samantalang nakangisi ang mga pinsan kong nasa likod nya.

“HA-HA-HA. Hindiiiiiiii namaaaaaaaan kayaaaaaaa.” Sinenyasan nila ako na kunwari ay masakit ang ulo kaya hinawakan ko ang ulo ko at kunwari’y natumba pahiga sa sofa at nagkunwaring tulog.

“Stay there. I’ll get you a cup of coffee. Don’t do anything stupid alright?” narinig ko ang pag-alis nya sa harap ko kaya medyo iminulat ko ang aking mata. “Ate, kukunin ko lang ang Aliv sa kotse. Pakibantayan na lang si Faye. Wag nyo sya papaalisin.” Dinig kong sabi nya kay ate Cams.

“Nako kuya Ivan may Aliv kami dito wag ka nang mag-abala kami nang...” – Nami

“Ano ka ba nami! Ubos na kaya yung Aliv natin. Sige na Ivan kunin mo na nang mahimasmasan tong si Leng.” Pagkasabi ni ate Cams non ay umalis na si Vano at agad nyang binatukan si Nami.

“Aray naman ate! Bakit ba!?”

“Bat mo sinabi? Kelangan nga munang umalis ni Ivan para makapag-isip pa tayo ng magandang plano.” – ate Cams

“Nakuuu. Para namang di kapani-paniwala e.” – Kimee

“Ate Leng masarap yung tubig gripo?” – Iyah

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now