No. Hindi pwede.
Tumigil sa pagkukwento si Blaire nang parang may naalala sya at biglang nagdial sa phone nya. Pagkatapos ng maiksing tawag ay bumaling sya sa amin at nagsalita, “The boys are back. They’re having a drinking session at your granny’s balcony. I have to talk to Ivan, I’ll be back.” Dere-deretsong sabi ni Blaire at umalis ng bahay patungo sa bahay ni Lola.
Pagkaalis na pagkaalis ni Blaire ay inulan si Kimee ng tanong kung ano nga ang naabutan nilang pinag-uusapan namin kanina.
“Wala nga ang kulit ng lahi nyo. Bombahin ko na kayo dyan e.” – Kimee
“Talagang makulit ang lahi natin Kimee at kasama ka dun.” – Nami
“Sigurado ka ba? Eh bakit kakausapin nya si Vano ngayon? Hindi kaya narinig nya talaga kami kanina at pupuntahan nya si Ivan para sabihin ang lahat?” tanong ko
“Sabing wala kaming naabutan, nagchichikahan din kasi kami papunta dito. Yung pangalan nya nga lang siguro yung narinig nya.” – Kimee
“WAAAAH! May naisip ako!” sigaw ni Nami kaya naman bigla kaming napatinging lahat sa kanya. “Ate Leng! Panoorin mo tong scene na to!”
Lahat naman kami ay bumaling ang atensyon sa TV.
Si Cheon Song Yi ay humihingi ng 15 seconds kay Do Min Joon para akitin sya kasi daw lahat ng lalaki ay nahuhumaling sa kanya maliban kay Do Min Joon kaya gusto nyang patunayan na kaya nya ring pahulog si Do sa alindog nya. Nagset sya ng timer sa phone nya at nasimulang magpacute kay Do Min Joon. Nagpose sya ng kung anu-anong itsura na nang-aakit, nagpapacute, nagpapapansin samantalang poker face ang lalaki na nakatitig sa kanya. Nang paubos na ang oras ay nawalan na ng pag-asa si girl pero bigla na lang syang hinila ni Do Min Joon at... Hinalikan. O.O
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” sigaw naming lahat sa kilig.
“Ano ate Leng? Naiisip mo na ba kung anong naiisip ko?” – Nami
“Wag mong sabihing...”
“OO! Gayahin mo yung style ni Song Yi! That way, malalaman din natin kung may gusto na din si kuya Ivan sayo.” – Nami
“Ano!? Nababaliw ka na ba? Hindi ko gagawin yan no! Nakakahiya!”
“Ganon? Kung ayaw mo, di wag. Ako na lang gagawa.” Sabi ni Nami at astang lalabas ng bahay para siguro pumunta sa bahay ni Lola.
Hinila ko naman ang braso nya at pinaupo sa sofa. “Subukan mo lang uupakan kita.” Banta ko.
“Alam mo Leng, may point naman tong si Nami. Sa unang pagkakataon sa tanang buhay nya may nasabi din syang tama. Kailangan mong alamin ang nararamdaman ni Ivan para sayo.” – ate Cams
“Pati ba naman ikaw? Maganda si Song Yi kaya kaya nyang gawin yun. Eh ako? Hindi bagay! Ayoko ngang magmukang tanga sa harap nya!”
“Ano ka ba te Leng. Tanga ka na sa paningin nya diba.” – Nami
ABA’T matindi ang isang to! Pero sa bagay. May point sya. Tsaka sabi ni Vano gusto nya daw yung katangahan ko diba? AISH! Ano ba yan bat ganto na ko mag-isip! Desperada na ba ako?
“Guys, I have an idea.” Nakangising sabi ni ate Cams.
Mukang mapapasubo ako ah.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----54th string-----
Start from the beginning
