-----54th string-----

Start from the beginning
                                        

“Kailangan pa ng translator? Ate Leng, ibig sabihin ni ate Cams, baka kaya hindi pa sya nagpaparamdam sayo kasi hindi nya alam kung handa ka na bang pumasok ulit sa relationship. Knowing kuya Ivan,  hindi nya ipipilit ang sarili nya sa’yo hangga’t di ka pa nakakamove-on kay kuya Zeke.” – Iyah

“At ngayon pati si Zeke kasama na sa usapan. Ang gulo-gulo na!” reklamo ko

“Nakamove-on ka na ba kay Zeke?” – ate Cams

Yan. Yan ang isa pang bagay na hindi ko malaman ang sagot. Kumbaga sa who wants to be a millionaire, yan ang pang isang milyong tanong at wala na kong natitirang life line.

“Wag mong sabihing hindi mo din alam teh?” – Nami

“Hindi ko nga alam. Kaya nga hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para kay Vano. Malay nyo infatuated lang ako sa kanya kasi si Zeke may bago na tapos ako wala. Mga ganun. Unfair naman yun kung ganun.”

“Kung infatuated ka lang, hindi ka maaapektuhan ng ganyan sa kung anumang namamagitan sa kanila ni ate Blaire.” – Iyah

“Alam ko na talaga ang sagot sa tanong ko kanina. Hindi ang nararamdaman mo para kay Ivan ang problema mo. Ang problema mo ay ang nararamdaman ni Ivan para kay Blaire.” – ate Cams

“Tama. Hindi mo lang matanggap sa sarili mo na mahal mo na nga si kuya Ivan.” – Iyah

“Alam ko na! Akitin ko na lang kaya si kuya Ivan para wala na kayong problema ni ate Blaire?” – Nami

“Gusto mong ibitin kita ng patiwarik?”

“Oh tamo! Kahit sa’kin nagseselos ka!” – Nami

“Oo na siguro nga nahuhulog na ko kay Vano. Pero hindi ko alam kung sapat na yung nararamdaman ko para ipush ang kung anumang meron sa’min. Tsaka sobrang natatakot talaga ako. Hindi naaalis sa isip ko ang kung anumang meron sila ni Blaire.”

“I think I heard my name.”

Nagulat kaming apat nang magsalita si Blaire na kakapasok lang ng front door kasama si Kimee.

WHAT THE HECK!? Narinig kaya nya yung mga pinagsasasabi ko?

Tiningnan ko si Kimee at binigyan sya ng narinig-nyo-ba-ang-pinag-uusapan-namin look. At dahil magpinsan kaming tunay at halos magkakarugtong na ang bituka namin, nagets nya agad ang nais kong iparating.

Tumunog ang phone ko at binasa ang text ni Kimee:

(Kung anuman yung pinag-uusapan nyo, wala kaming naabutan.)

At dahil dun, nakahinga naman ako ng maluwag.

“Hay nako Blaire, eto kasing si Leng pinagpipilitang mas maganda ka daw sa kanya. Kapal ng mukha.” – ate Cams.

WHAT THE? Wala na ba syang maisip na mas maganda at mas epektibong palusot!? >.<

At dahil hindi malisyosang froglet si Blaire ay naniwala sya agad sa palusot ni ate Cams. Inaliw din sya agad ng mga pinsan ko para hindi na sya magtanung-tanong sa mga pinag-usapan namin nung umalis sila.

Tahimik lang ako habang lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa nagkukwentong si Blaire.

NAKAKAINIS. Nakakainis kasi parang lalong gumulo ang utak ko sa pag-oopen ko sa tatlo. Lahat sila may punto, maliban na lang pala kay Nami. Ay sige na nga may punto na rin sya. Kumacrush ba naman ang babaitang yun kay Vano. Hmf.

Mahal ko na nga kaya si Vano? At kaya nga ba ako nagkakaganto eh dahil sa pagseselos sa kanila ni Blaire? Yung mga ginagawa ko nitong mga nakaraang araw lalo na yung sa pagbebake ko... Ginagawa ko nga ba yun para makipagkumpitensya kay Blaire? Nagsisimula na ba kong lumaban ng di ko nalalaman? Yung pagkanta ko ng ‘I think I’m falling’ kahapon... Nagsisimula na ba kong magparamdam sa kanya?

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now