“Wag ka kayang maingay. Nasa kapitbahay lang si Blaire baka sabihin pinagtsitsismisan natin sya.” - ate Cams
“Bakit hindi ba? Nagtsitsismisan naman talaga tayo ah.” – Nami
“Hindi ito tsismisan, Nami. Ito ang tinatawag na counseling.” – Iyah
“Makacounseling naman kala mo napakabigat ng pinagdaraanan ko ah.” Sagot ko na may kasunod na pilit na pagtawa.
“So ano nang balak mo?” seryosong tanong ni ate Cams.
“Uhm. Wala? Go with the flow? Mga ganun?”
“Go with the flow? Napakaplaying safe mo naman, Leng.” – ate Cams
“Eh anong gusto nyong gawin ko?”
“Aba’y lumandi ka! Agawin mo ang puso ni kuya Ivan kay ate Blaire! Pag di mo ginawa yan, ako na lang ang aangkin sa kanya, sige.” – Nami
“Agawin ang puso ni kuya Ivan na nakay ate Blaire? Pano nyo ba nasabi na nakay ate Blaire nga ang puso ni kuya Ivan?” – Iyah
“Eneber. Di ka ba nakikinig kay ate Leng kanina? Ang sweet kaya nila. Binantayan nya nga si ate Blaire magdamag dahil sa pagkalasing diba?” - Nami
“Magbest friends sila. Natural lang naman na pag-ingatan nila ang isa’t-isa. Chaka nagawa na din yun ni kuya Ivan kay ate Leng dati.” – Iyah
“Hindi eh. Ibang klaseng pag-aalaga yung ginagawa ni Vano kay Blaire. Iba talaga, ramdam ko.” Singit ko.
“Nasasabi mo lang yan Leng kasi nagseselos ka.” – ate Cams
“O di kaya, magkaiba talaga ang pag-aalaga nya sayo sa pag-aalaga nya kay ate Blaire kasi best friend nya si ate Blaire at special someone ka nya.” – Iyah
“Maka’alaga’ ka naman kala mo aso yung pinag-uusapan natin. Aso? Aso? Pet? Mga ganun? O o oh ate, subukan mong batukan ulit ako isusumpa na kita.” – Nami
“Ang ligalig mo Nami tatampalin na kita e.” umamba na namang mambabatok si ate Cams pero tinalikuran nya na lang si Nami at humarap sa’kin ng seryoso. “Ano bang pinakaproblema mo Leng? Yung nararamdaman mo para kay Ivan o yung nararamdaman ni Ivan para kay Blaire?”
Sandali akong nanahimik at nag-isip. Ano nga ba talagang problema ko?
“Hindi ko alam eh. Hindi pa naman kasi ako sigurado sa nararamdaman ko para kay Vano. Pero nasasaktan ako sa tuwing nakikitang concern na concern si Vano kay Blaire.”
“Ang problema kasi sayo, hindi mo maamin sa sarili mo na mahal mo na talaga si Ivan.” – ate Cams
“Mahal ko na ba talaga si Ivan?”
“Base sa mga kwento mo at sa mga asta mo habang nagkukwento ka, OO, mahal mo na sya, ate Leng.” – Iyah
“Alam mo kasi ate Leng, ang pag-ibig, pinaglalaban yan! Hala, sige, hintayin mo pang bumalik ang nararamdaman nya kay ate Blaire para pulutin ka sa kangkungan.” – Nami
“Oo alam ko namang paminsan-minsan kailangang lumaban. Pero anong magagawa ko? Kakatapos ko lang sa gyera para kay Zeke. Hindi ko pa kayang lumaban. Lalo na ngayong alam ko na wala talaga akong kalaban-laban kay Blaire. Para lang akong nakikipaglaro ng tennis sa pader.”
“So ano? Nganga ka na lang? Pano kung may nararamdaman din si Ivan para sayo? Eh di...” – ate Cams
“Kung may nararamdaman din sya para sa’kin, di sana nagpaparamdam na sya. Hindi naman si Vano yung tipong torpe no.”
“Eh malay mo hindi pa sya nagpaparamdam kasi nakikiramdam pa sya sa nararamdaman mo.” – ate Cams
“Ano daw?”
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----54th string-----
Start from the beginning
