-----54th string-----

Start from the beginning
                                        

“Oy oy oy ano yan, ate?” – Nami

“Anong mahal mahal na sinasabi nyo dyan?” – Iyah

“Mahal na ang bigas! Napansin nyo ba yon?”

“Sus ate Leng. Papalusot pa.” – Nami

“Bat ba nandito na kayo? Nasan yung iba?” – ate Cams

“Nandun pa kina Kimee. Si ate Blaire kasi ang daming ideas para sa pageant, ayun, kinakareer ang dress-up ni Kimee.” – Nami

“Oo nga. Mukang matatagalan pa yung dalawang yun. Kaya nauna na kami dito.” – Iyah

“Ate! Ano nga yung pinag-uusapan nyo?” – Nami

“Gaya nga ng sinabi ko, ang mahal na ng bigas.”

“Ang daya!” – Nami

“Hulaan ko, ate Leng. Tungkol to kay kuya Ivan?” – Iyah

Nanlaki naman ang mata ko sa hula nya. May pinsan pala akong manghuhula sa Quiapo?

“Uy hindi ah.” Tanggi ko.

“Sige na, Leng. Tayo-tayo lang naman.” – ate Cams

Sandali akong nag-isip.

“Sige na nga. Basta ating apat lang to a. Pag kayo nagbungakngak iiitsa ko kayo sa Taal.”

“Game.” Sagot nila.

“Ano kasi... Mah...”

“Mahal mo na si kuya Ivan?” – Iyah

“Ba...bat mo alam?”

“Ramdam ko lang.” – Iyah

“HALA!” nagulat kaming tatlo sa sigaw ni Nami. “Ako din!”

“Anong ikaw din?” – ate Cams

“Mahal ko na din si Kuya Ivan.” – Nami

“Upakan kita, gusto mo?”

“Wag mong pansinin yan, Leng. Sila na ni Justin.” Walang ganang sagot ni ate Cams

“WHAT?! KAYO NA?! KELAN PA?! BAT DI NYA SINABI SAKIN!?”

“Okay kalma lang. Wag ka maniwala dyan kay ate. Echosera.” – Nami

“Ate Leng wag mo ibahin yung usapan. Ikaw ang nasa hot seat.” – Iyah

Sabi ko nga talo talaga ako sa mga pinsan ko e.

Kinwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari magmula nang nagsimula akong makuryente sa mga hawak ni Vano, kiligin sa paminsan-minsang kasweetan nya, matuwa sa kapervertan nya, (AY JOKE LANG ERASE ERASE) hanggang sa maamin ko na sarili ko na nahuhulog na nga ako sa kanya. Halos buong storya ay umikot sa mga nakaraang araw na nagdaan nitong bakasyon namin.

“OH MY GOSH ATE LENG! Naghubad ka sa loob ng kotse ni Kuya Ivan?! Di ka na Virg...” tinakpan ko na ang malaking bunganga ni Nami bago pa sya magsalita ng kung anomang madumi.

“Ano ba. Nagbihis lang ako yun lang yon. Chaka may tiwala naman ako kay Vano kahit may pagkagreenminded sya minsan.”

“Pero diba sabi nya gusto ka nyang galawin? Kinikilig ak...ARAY naman ate!” reklamo ni Nami matapos syang kutusan ni ate Cams.

“Umayos ka nga muna, Nami. Hindi yan ang punto dito. Puro magaganda at nakakakilig yung mga kinukwento ni Leng pero problemado sya ngayon. Ano pang mga nangyari?” seryosong tanong ni ate Cams. Napabuntong hininga na lang ako.

Nagsimula na kong ikwento ang istorya nilang tatlo, ang love triangle nina Kevin, Blaire, at Vano.

“What!? May past sila!? Oh my gosh I need air! Inhale exhale inhale exhale in... ARAY! Ate naman!” sunud-sunod na salita ni Nami kaya nabatukan ni ate Cams.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now