Gusto sana naming mga babae na sumama at manood sa kanila kaya lang e hindi nila kami pinayagan dahil maiingay daw kami at baka mabulabog ang sangkabahayan na malapit sa gym. If I know, concerned lang ang mga yun kasi nga gabi na. Pero syempre, iniwan din nila kami kasi taong bahay daw kami.
“So girls, ano, nganga na lang tayo?” – ate Cams
“Yeah what do we do now?” masiglang tanong ni Blaire na para bang matagal nya nang kakilala ang mga pinsan ko. Buti na lang at magaling sya makisama. Hindi sya naOOP sa’min magmula pa kanina. Yung dalawang lalaki kasi kanina e tahimik lang. Siguro ngayong nagbabasketball na sila kasama ang mga pinsan ko, magiging hiyang na sila.
At dahil mga babae lang kaming natira, naisipan na lang namin na magmarathon ng ‘You who came from the stars’ kung saan leading man ang boyfriend kong si Do Min Joon. Naghanda sila ng mga chichirya at dahil sa wala ang mga magulang nila ay naglabas din sila ng 2 bote ng Chamdor, ang paborito naming champagne.
Habang nanonood at kinikilig kay Do Min Joon ay nagkukwentuhan din kami tungkol sa mga KPOP groups, mga naggugwapuhang artista, mga kasalukuyang trending sa facebook at twitter, mga events sa universities kung saan kami nag-aaral, at syempre, hindi mawawala ang usapang love life. GIRL TALK mode talaga kami ngayon.
Nang mapunta sa fashion trends ang usapan ay bigla na lang silang nagkayayaan sa bahay nina Kimee na kapitbahay lang nina Iyah (kung san kami nanonood ngayon) para tingnan ang mga isusuot nyang damit sa sinalihan nyang Pageant sa school nila. At dahil sa pareho kaming tinatamad ni ate Cams, nagpaiwan lang kami dito habang sumugod na ang iba sa kapitbahay para na rin daw maghakot ng mga unan para sa sleepover.
Ang galing ng sleepover nila no? Magkakapitbahay lang nakikitulog pa. HAHAHAHA
Muli akong nagsalin sa champagne glass ng Chamdor. Wala nang sabi-sabing nilagok ko ang laman ng baso, straight.
“Huy. Champagne lang yan, di ka malalasing dyan. Problema mo?” biglang tanong ni ate Cams na seryosong nakatingin na sa’kin.
“Ganun ba. Baka may stock pa kayo dyan ng kahit anong hard liquors? The bar? Mga ganun?”
“Wala. Wine, meron pa. Ano bang problema mo? Spill it.”
“Wala. Wala kong problema.”
“Wag ako, Leng.”
“UGH. You know me so well.” Sabi ko na itinataas ang dalawang kamay na parang sumusukong magnanakaw.
“So... Ano nga? Dali baka bumalik na sila.”
“Ano kasi e...”
“Ano?”
“Kami na ni James Reid.”
“Eh kung sipain kita ngayon pauwi ng Dasma? Akin yun e.”
“Joke lang to naman. Sumbong kita kay Kuya Bryle. Two-timer ka pala e.”
“Sumbong mo. Hindi ako matitiis nun.” Sabi nya sabay ngiti na parang kinikilig.
“Hanep. Kamusta na ba kayo nun?”
“At bakit napunta sa’kin ang usapan? Ano ngang problema mo?”
“Wala talaga kong kawala sayo no?”
“Dali na.”
“Kasi... Kasi...”
“Kasi ano?”
“Ano... Kasi... ARAY!” reklamo ko matapos nya kong batukan.
“Sabihin mo na!”
“Eto na nga e. Uhm... Mahal...”
KAMU SEDANG MEMBACA
No Strings Attached
RomansaA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----54th string-----
Mulai dari awal
