Wattpad Files University

4 0 0
                                        


 Si Artemis ay isang ulilang bata. Ang nanay nya ay namatay nung siya ay pitong taon pa lamang. Ang tatay nya naman ay namatay pagkatapos nilang maglipat ng bahay. Hindi niya alam kung bakit namatay ang mga magulang niya, ni hindi siya makapagisip ng kahit anong dahilan dahil wala namang masamang ginawa o mga atraso ang kaniyang mga magulang sa ibang tao.

Ang hindi niya alam ay puno ng misteryo ang kanyang paaralan na pinapasukan. Hindi niya alam ay isa sa mga taong nakapalibot sa kanya ang may kagagawan ng pagkamatay ng kaniyang ina at ama. May kababata siyang sina Rhian, Margaret, at Belle, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay iniwanan din siya ng mga ito.

Wala na siyang pamilya ngayon, tanging mga pinsan niya na lamang. Ito ay sina Crystal, Holy, Naih, Candice, Althea, Bj, Duchess at Thalia. ngunit minsan lang ang mga ito bumisita sa kaniya dahil sa hindi kaalamang kadahilanan.

Sa bago niyang eskwelahan ay tatlo lamang ang mga tunay niyang kaibigan. At ito ay sina Kylie, Kiel, at Kaius. Simula ng maglipat siya ng paaralan sila ang magkakaklase sa lahat ng subjects kaya naman napalapit na din sila sa isa't isa. Ngunit nagiba ang pagkakaibigan ng malaman niyang nahulog na sa kaniya ang kaniyang dalawang kaibigang lalake. Palaging nag-aaway si Kaius at Kiel dahil sa kaniya. Ngunit dahil ayaw niyang magiba ang kanilang samahan ay hindi niya sinagot ang mga ito. Pero mas nagiba ito ng may nangyareng grupo-grupo.

Hindi na naging normal ang eskwelahan niya ng may mga grupo grupo na nagawa. Mayroong grupo ng mga matatalino, eto ay sina Allyzon, Yumie, Junalie, Jae at Jenny. May grupo ng mga SSG officers, na sina Jeremiah, Kaius, Rhian, Margaret, Belle, at Daniella. May grupo ng mga sikat na sina Jenny, Rose, Erriane, Queen Kem at Angelica. Mayroon pang mga scholar na sila Ren, Abby, Neyan at Uriah. May mga normal na estudyante na sina Bea, Jemelle, Tine tine, Cecille, Arriane, Nerissa, Kristine Daphne at Angel. May mga sikat na grupo ng mga babae na nagngangalang Cold Queens na sina Maxene, Katy, Roycee, Manuela Frances at Richelle.

Di niya lubos maisip na ang mga kababata niya ay nasa eskwelahan din na ito. Pero mas naging masakit para sa kaniya ng hindi siya makilala ng mga ito. Mas nabigla siya ng malaman niya na ang long lost sister niya na si Penlessliya ay nandito din.

Si Artemis naman ay naging isa sa mga Detectives sa kanilang eskwelahan. Sila ay tinawag na Cold Elites kasama niya dito sina Jeremiah, Kaius, Margaret, Maxene at Yumie. Si Artemis lang ang walang grupo sa kanilang lahat kaya ginawa niya ito para malaman niya kung sino ang pumatay sa kaniyang mga magulang. Ilang kaso nadin ang kanilang naresolba ngunit ni isa dun ay hindi nasangkot sa kaso ng kaniyang mga magulang.








#coldelites


ONE SHOTStories to obsess over. Discover now