Sandali'y Sana Hindi Sandali
Nagsimula ang lahat
Sa matamis mong ngiti
Sa mga mata mong nangungusap
Sa tangos ng iyong ilong
Hanggang sa
Matikas mong tindig.
Kalaunan, tayoy nagkakilala,
Hindi ka lang pala magaling pumorma
Ugali mo ri'y kakaiba.
Sa pasulyapsulyap mo
Hindi ko na napigil pa
Sana sa likod ng mga ng mga ito
Ay ang pagtinging
Katulad ng namumuo sa puso ko.
Hanggang sa
Ang mga sulyap mo'y naging sulyap ko
Pagtingin ko'y naging pagtingin mo
Ngiti mo'y naging ngiti ko
Tibok ng puso ko'y naging tibok ng puso mo.
Lumipas ang panahon
Nagsilagasan ang mga dahon
Sumibol ang mga bulaklak
Hindi ko namalayan ang ikot ng mundo
Marahil ay dahil andito ka na sa piling ko.
Mahal kita, mahal mo ako
Ang sarap sumabay
Sa musika ng sarili nating ritmo
Walang mahirap, walang nakakapagod
Lahat kinakaya
Basta para sayo
Payat man
Kayang makipagbakbakan.
Ang sandaling ito, sana hindi sandali
Ikaw at ako
Manatili tayo
ganito
ganyan nga giliw ko.
