So Far Away (One Shot)

21 0 0
                                    

Another one shot story! Before anything else, I want to greet my best friend, Hannah Armandico a happy birthday! (April 23 2018) Oh bes, regalo ko tong story sayo. Nag-rerequest kang mag create ulit ako ng story eh. So I hope magustuhan mo :) For readers, sana magustuhan niyo din ito. Enjoy reading!

**********************

Nabubuhay ako sa isang mundo na malaki, maraming tao at iba pa. Ang mundong may payapa at magulo. Ang mundo na pinapalibutan ng iba't ibang klaseng mundo.

Sa mundo, may taong nabubuhay na mataas. Mayaman at kayang kaya pabagsakin ang mahihirap. May mga tao na iba't iba ang pinagmamalaki. Siya ay isang abogado, doktor, pulis, sundalo, presidente, gobernador, mayor, director, CEO, manager at iba pa.

Isa akong aktor na ginagampanan ang iba't ibang pagkatao. Naging isang doktor na rin ako. Naging pulis, director, abogado at iba pa. Habang lumilipas ang panahon, na-realize ko na madaling gampanan ang pagkatao ng iba kaysa sa sarili ko.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam nito o hindi? Yung pakiramdam na may isang taong hindi nag-eexist sa mundo kung saan ka nabuhay. Nakikita at nahahawakan mo siya pero hindi nagtatagal dahil naglalaho siya.

Siya si Evelyn.

Nagkita kami sa isang hotel kung saan ako natutulog nung minsan nag shoot kami ng drama ko. Inakala ko na siya ay isa sa mga umiidolo sakin. Sa kalagitnaan ng gabi napamulat ako ng mata dahil sa ingay. Isang babae kumakalikot sa ref.

"Hoy! S-Sino ka?" Kinakabahan kong tanong nung mga oras na yon. Humarap naman agad yung babae. Bakit siya naka all white? White lady ba toh?! Ang mga katagang nasa isip ko.

Nanlaki naman ang kanyang mata at dinuro duro ako. "Sino ka?! Manyakis!!!" Malakas niyang sigaw kaya agad ako napatayo. Baka marinig siya ng iba at isipin na inaano ko siya dito!

"T-Teka! Ano ba yang pinagsasabi mo!" Sabi ko at agad tinakpan ang bunganga niya. Magulo pa siya habang hinahawakan ko siya pero kinagat niya ang kamay ko.

"Aray!"

"Tulong!!!! May manyakis!!!---"

"Hoy! Ako?! Mukhang manyakis?!" Sigaw ko naman sakanya. Aba hindi ako makakapayag don! Sa guwapo kong toh? Mukhang manyakis. Tsss

Tumayo naman siya ng maayos at tiningnan ng mabuti ang mukha ko.

"Hindi naman?" Sagot niya pabalik sa tanong ko. Napakunot naman yung noo ko sa sagot niya. Kanina lang nag hyhysterical siya tapos ngayon kumalma?

"Sino ka ba? Ano ginagawa mo dito?" Seryoso kong tanong. Trespassing na tong ginagawa ng babaeng ito ah.

"Ako si Evelyn! At... Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko dito... Kausap ko lang si mother Terisita habang may tinitingnan sa ref namin tas biglang---"

"Sinasabi mo bang nag-teleport ka?" Seryoso kong tanong. Masisiraan ako ng ulo dito.

"H-Hindi... Hindi ko naman kaya yon.."

"So isa ka sa mga die hard fan na gusto ako makita sa pagtulog ko?" Nakangiti kong tanong na may halong pang aasar.

"Anong die hard fan? Ano ka artista?" Natatawa niyang sabi. Napakunot naman yung noo niya. What the? Hindi niya ako kilala?

"Excuse me, sikat ako sa buong mundo. Kilala ako sa lahat ng bansa tapos hindi mo ako kilala?" Nagtataka kong tanong. Sorry, hindi ako mayabang pero yun yung totoo.

So Far Away (One Shot)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن