Chapter 1

61 8 7
                                    

Amber Ash Roux

"Amber!! Wake up!!! Anong oras na late ka nanamn sa klase mo sinabi ko namn sayo na matulog ka ng maaga diba? Paulit ulit nalang tayong ganito" Haaiisstt ang aga aga parang machine gun nanaman yung bunganga ni mama.

Hay nako sa inaraw araw na lang na nagdaan puro ganto yung naririnig ko yung totoo? Si mama na ba ang papalit bilang bagong alarm clock ko? Mas nauuna pa siyang mag ingay kesa sa naka set na oras para magising ako eh.

"Ma naman, may 10 minutes pa ako oh hindi naman ako late ang aga aga pa eh" walang kagana gana kong sagot sa kaniya, eh sa nakakaantok tlga.

Muka namang nakuntento na siya sa pang gigising niya sakin at lumabas na ng kwarto. Hay nako no choice kundi bumangon at makaligo nalang =_=

As usual matagal akong maligo kaya ito ang unang unang ginagawa ko pag kagising ko lalo na pag may pasok actually hindi naman ako matagal mag ayos kasi hindi naman ako nag me-make up, powder lang tsaka liptint gora na!

"Ma, Pa alis na po ko." paalam ko sa kanila pagtapos kong magmano at humalik sa pisngi ni mama.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

*School*

"AMMBEEEEEERRRRRRRR!!!! bruhaaa ka kanina pa kita hinahanap akala ko pa naman nauna ka na sakin dito." Halos mapatalon ako sa pagtawag sakin ni kale na akala mo walang nagkaklse sa room na nasa gilid lang namin.

"Ano ka ba ang ingay ingay mo manahimik ka nga muna." pagsaway ko sa kaniya bago ko sya hilahin papunta ng canteen at para makakain na din kasi hindi naman ako nag aalmusal sa bahay.

Naghahanap ako ng pwede kong makain ng may marinig akong nagtitilian sa bandang likod ko at laking gulat ko na pati si Kale eh halos mamilipit na sa kilig at dumugo na yung labi sa pagkagat niya. Juskolord!

Hindi ko gaano makita kung sino ba yung tinitilian ng mga yun dahil medyo madami din yung studyanteng nakakumpol doon at wala akong panahon para maki tsismis. Mas gugustuhin ko pang mag antay ng pila ko dito ng makakain na kesa makipag siksikan sa mga yun na akala mo artista yung nakita nila.

"Isang carbonara with mango juice po ate" at inabot ko na lamang ang bayad ko.

Naghahanap ako ng upuan ng hindi ko na makita kung nasan na si Kale malamang sa malamang eh nakikitsismis nanamn yung bruha na yun. Mas pipiliin pa atang makitsismis nun kesa pansinin yung sikmura niyang kumakalam eh hahahaha.

Patapos na ako sa pagkain bago ko pa siya makitang hingal na hingal na papalapit sa pwesto ko with matching punas pa ng pawis at pahid sa palda, oh dba medyo kadiri siya.

Halos habulin na niya yung hininga niya habang nakaupo sa harapan ko kaya inabutan ko muna siya ng juice ko.

"Oh uminom ka muna muka kang nag marathon" sabay abot ko at siyang pagtungga naman niya doon.

"A-sh nakita m-mo ba yun?!!" halos lumuwa na yung eyeballs niya habang nagtatanong sakin na hindi ko naman alam kung ano o sino yung tinutukoy niya.

"Ha? Ano bang pinag sasabi mo jan? Teka nga kasi huminahon ka muna uso hinga!" abat kaloka kaya makipag usap sa gantong tao medyo malakas din tama nito eh.

At ayun na nga hindi muna siya nag salita doon na para bang nag iisip kung pano niya sasabihin o ipapaliwanag kung ano man yung nakita niya. She's acting so weird kung tungkol man yung sasabihin niya dun sa pinag kukumpulan ng mga studyante, well mukang gusto ko din naman malaman nakaka curious din kahit papano.

"Ash, andito na siya" napatingin naman ako ng bigla siyang magsalita.

"Sinong siya? Teka nga nakahinga ka naman na diba o eh di pwede ba paki explain... Ng maayos" pagtataray ko sa kaniya kasi ang gulo niya -.-

Bumuntong hininga muna siya bago niya ipaliwanag sakin kung bakit siya nagkakaganun.

"Sorry, pero kasi na excite lang ako andito na kasi si Raven Sage Rye, pero mas kilala siya bilang Sage siya yung dating Accountant na pinalitan pansamantala ni Sir Gilbert. Siya din yung dumating kanina na pinag kaguluhan ng mga studyante hindi mo ba siya kilala?" mahabang paliwanag niya na hindi ko padin maintindhan sa dahilang hindi ko alam kung ano yung pinag sasasabi niya.

"Kale, look alam mo naman na transferee lang ako dito at ngayong taon lang ako nakapasok dito so hindi ko siya kilala at isa pa hindi ako interesado sa kaniya. So what kung nakabalik na siya bilang Accountant eh d mas maganda hindi na siya mahihirapan maghanap ng ibang trabaho kasi nakabalik na siya." sagot ko sa kaniya habang nginunguya yung chewing gum ko pamparelax :")

Muka namang hindi siya kumbinsido sa paliwanag ko kaya napakunot ako ng noo.

"Oh bakit? May mali ba akong nasabi?" takang tanong ko sa kaniya habang hindi siya makapaniwalang nakatingin sakin.

"Ash totoo? Hindi ka interesado sa kaniya? Well siguro sa ngayon hindi, kasi hindi mo pa naman siya nakikita at gaya ng sinabi mo hindi mo pa siya kilala." nakahalungbaba naman niyang sagot sakin.

Napatingin naman ako sa relo ko at baka ma late na ko sa first subject ko at inayos ko na din ang gamit ko para makaalis na. Sa 4th floor pa kasi ang classroom ko kaya kelangan ko ng magsimulang maglakad ngayon dahil kung hindi malilintikan ako sa masungit na Asuncion na yun my History prof.

Umalis na kami ni Kale para pumasok sa first subject namin magkaklse naman kami kaya walang problema. Habang nag lalakad kami sa hallway hindi nakakalagpas sa pandinig ko ang pangalan ng Sage na yun, ganun ba talaga siya kasikat sa paaralan na to para kahit san ako magpunta eh maririnig ko ang pangalan niya.

Nagkibit balikat na lang ako at nagtuloy tuloy na lang kami hanggang sa makarating sa classroom, mukang wala pa naman si mam dahil naririnig kong nagtatawanan pa ang mga kaklse ko.

"Heey Ash how are you?" bungad sakin ni Windy isa rin siya sa mga kaklse ko mabait naman siya may pagka maarte nga lang kaya hindi kami gaano close kahit na ilang buwan mahigit ko na siyang kaklase.

"Ahmm okay namn ako" pambawi ko bago umupo sa upuan ko na katabi lang din ng upuan ni Kale.

Wala pa si mam kaya nag rereview nalang muna ako ng mga notes na sinulat kahapon at baka mag pa surprise quiz o recitation nanaman yun mahirap na sayang grades.

Makalipas ang kalahating oras bago siya pumasok sa amin at mukang goodvibes naman siya and I'm so proud of her pano ba naman kasi kada pasok niya kala mo pasan niya yung buong Univesity sa sobrang sama ng muka niya.

"Okay class, pasensya na kung na late ako may inasikaso lang ako sa baba." at isa pang himala NAG SORRY SIYA!! end of the world na ba? T____T ano kayang nakain nito at sana yun nalang ang kainin niya araw araw para naman ganyan siya.

"Mam! Bakit mukang goodmood ka po ngayon may nag papasaya na po ba sayo?" Pang aasar naman ng isa kong kaklse na si McJorge isa sa pinaka bully dito sa room.

"Heh! Manahimik ka jan kung ayaw mong palabasin kita ng klase ko!" pagsinghal naman sa kaniya ni mam.

Nagdiscuss lang siya ng ilang gagawin namin para bukas at nagbigay ng reviewer para sa darating na long test namin sa makalawa bago siya lumabas ng klase.

Nagbabasa basa ako sa libro ko ng bigla akong kalabitin ni Kale pero hinayaan ko lang siya hanggang sa nakailang kalabit na siya.

"Ano ba yun kale? Nagrereview ako may exam tayo kay mam Lenka" at pagsulyap ko sa kaniya ay siya namang paglaglag ng panga ko ng matanaw ko ang isang lalaki na nasa labas lamang ng bintana namin na siya namang tinititigan ni Kale.

Please Tell Me You Love MeWhere stories live. Discover now