Prologue

40 5 0
                                        

Ang tagal na din ng panahon mula nang bitiwan ko ang isang taong inikutan ng mundo ko.

Akala ko sapat na 'yong mahal mo siya at kaya mong gawin ang lahat para sa kanya para hindi siya mawala.

'Yong tipong kung meron lang paligsahan sa pagpapakatanga malamang ako na 'yong nanalo o 'di kaya kung may pelikulang tanga 'yong bida malamang papasok ako bilang bida.

Naranasan kong kainin 'yong pride ko halos lahat ng meron ako ibinigay ko sa isang taong binasura lang ako. Halos wala na akong itinIra para sa sarili ko.

Nag bulag-bulagan ako at kahit 'yong utuin ko yong sarili ko kinaya ko, pero kahit pala gaano katatag ang isang tao kahit gaano mo pa panghawakan ang salitang tapat ka sa pangako na hindi mo siya bibitiwan, darating at darating ka sa limitasyon ng pagpapaka martyr. 'Yong tipong parang nauntog ka ng malakas at natauhan. Babalikan mo 'yong mga kahapong nag daan at maitatanong mo sa sarili mo kung-

"Bakit nga ba kami nag tagal?"

Nag tagal kami sa isang relasyong ako lang ang lumalaban, sa relasyong pilit niyang tinatago habang ako lantaran siyang minamahal. Ginawa ko ang lahat maipakita lang sa kanya kung gaano ko siya ka mahal kung gaano ako ka worth it para pahalagahan.

Pero sa kabila ng lahat nagawa parin niya akong pakawalan.

Masakit..oo masakit ang tumakbo palayo sa taong mahal mo, lalo na sa panahong hindi ka handang tumakbo. Pero kung 'yon naman ang paraan para lumaya at maging daan para mahanap ang sarili mo sulitin mong tumakbo ng mas malayo pa sa kaylangang takbuhin ng puso't isit mo.

Late Chase Where stories live. Discover now