Ang pagibig ay tila isang digmaan
kahit sugatan ay patuloy parin tayong lumalaban
sinusubukang bumangon sa mapait na alaala ng kahapon
Pagod na mga ngiti ang gumugihit sa mga labi, Nakakapanlumong pighati ang ipinapahiwatig ng bawat luhang bumabagsak na tila ba patalim na sumasaksak sa dibdib na may dugong dumadanak
di malaman kung ang pagsuko ay siyang hudyat ng paglaya o siya ring pagpanaw ng pusong umaasa parin araw araw.
