"LOVE AT FIRST SIGHT"

9 0 0
                                    

Huhuhu, panahong desperadang desperada akong mahanap sa facebook yung gumanap na Aladin sa pinanood naming play. HAHA kaloka. Ps : Hindi po totoong crush niya din ako. Hindi po totoo na sumali siya sa play para sa akin. Ang sakit diba? Asyumera ng taon HAHA. Hindi kami magkakilala :< umpisahan na natin ======>>>

"Love at First Sight"

Unang kita ko pa lang sayo alam ko nang nagkakagusto na ako,
Pero ang  tanong ko sa sarili ko bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa na hindi naman ako kilala?
Ni hindi ko nga alam kung nakikita mo ako nung nag pe-perform ka,
Lalong hindi ko alam kung may pag asa bang magustuhan mo ang tulad ko? O baka naman ang iba,
Posible nga ba yun? Na kapag makilala mo ako maaring magkagusto ka sa akin? Ayoko mang isipin pero..
Sana oo, sandali lamang may nais akong ikwento,
Alam mo ba kung gaano kita hiniyawan simula nung lumabas ka sa engtablado?
Pagkauwi ko pa nga sa bahay ay sinubukan ko agad na hanapin sa mga social media ang pangalan mo.
Pero.., hindi lumabas at walang lumabas, napaisip tuloy ako?
Talaga nga bang nag-exists ka sa play o baka naman nanaginip lamang ako?
Haaay nasobrahan na ata ako sa mga panpiksyon na binabasa ko mula sa mga libro,
Kaya naisipan kong burahin ka na lamang sa isipan ko..
Ngunit, isang araw nakita kita sa eskwelahan ko,
Naiinis ako sa sarili ko.. nang malaman kong gusto mo din pala ako,
Pero kahit naiinis ako, kinikilig pa rin ako. Dahil bukod sa nalaman kong gusto mo ako,
Nalaman ko ring sumali ka sa play para lang mapasaya ako,
Magiging perpekto ba tayong magkasintahan kapag naging tayo? Sana hindi lang perpekto, sana'y may kasama pang saya.
Gaya ng tinanghal niyo sa entablado kung saan kita unang nakilala? Kung saan naadik ako sayo ng sobra.
O puso ko, pagpahingain mo naman ang sarili mo,
Tuwing andyan ang mahal ko ay panay ang tibok mo.

———

Feeling ko nung sinusulat ko 'to, bumalik ulit lahat! Charot. Move on na. Haha. Sana magustuhan niyo ^^___^^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Tula || Ongoing Where stories live. Discover now