Introduction

40 1 0
                                        

Andrea's POV

"Okay class, for the nth time, please introduce your selves."

Actually, for the nth'sssss' time na talaga. Ilang beses na ba ko nagpakilala sa klaseng 'to? Nakakaumay huh. Then para malaman niyo na ang tunay kong pagkatao, let me start my introduction churva.

(Continous)

I'm Andrea Laine Quintana, a first year college student. I'm 18 years old and studying at Rocktale University. 3rd year college na sana ko kaso nag-undergone pa ko ng K-to-12. I'm a journalist in our school, a photo journalist and a news writer to be specific, kaya naman kailangang lagi akong present sa mga laban ng university namin. I'm also their editor-in-chief kaya kailangan kong suportahan ang mga kapwa-journalist ko kahit hindi naman na kailangan ang category ko.

I lived with my workaholic parents. Masyado silang matrabaho kahit na mayaman naman na kami. Their just maintaning our wealthy life kahit na wala naman yung natutulong sa relationship namin as a family. Palagi silang busy at marami din silang mga business trips kaya once in a blue moon na lang din silang magpakita sa bahay.

Mommy Olivia is not my real mom. I'm just calling her "mom" because dad ordered it. Actually, kabit lang siya ni daddy. Nung nabubuhay pa si mommy, dalawang bahay na ang inuuwian ng daddy ko. Kwento lang sa 'kin to ng lola ko, sa side ng real mother ko. At nung nawala si mommy, hindi siya nagdalawang isip na pakasalan si mommy Olivia. Kaya lola Mae got me and I lived their for 11 years. After those years, sapilitan akong kinuha ni dad at itinira sa bahay nila kasama ang step sister kong si Shanaiah. Like her mom, maarte siya, madamot, inggitera, matalak, makasarili, at mayabang. Palagi niya kong sinisiraan kay dad, at alam nyo kung ano yung masakit? Dad always believe her, take note, ALWAYS. Feeling ko mas tinuturing niya pang anak si Shan instead of me. Yung 5 years kong pagtira sa totoo kong mommy with daddy, parang naging isang panaginip na lang. Because my dad changed a lot. Kahit na bata pa ko nun, ramdam ko ang pagiging caring niyang father sa 'kin. But after of all those years, my old daddy was already gone.

Everytime na umuuwi ako sa bahay, I always heard Shan fighting with one of our maids. Tss, kaya walang tumatagal na katulong sa hell home na 'to eh. Tapos kapag nagresign yung katulong na inaway niya at nagtanong si daddy kung bakit umalis yung maid na yun, she always said that I fired them. At kung ano-ano pang mga rason para lang mapaniwala niya si mom and dad na finired ko nga sila.

Tss, style nya bulok.

Pero ayos lang naman, sanay na ko.

Sanay na kong laging pinapagalitan, laging sinisigawan, laging sinasaktan, at laging kinukumpara sa letseng anak sa labas na yan. They were always not thinking about my feelings. Palagi ko kasing wina-walang bahala lahat ng pagtatalak nila, kaya iniisip nilang pambabastos yung ginagawa ko. Hindi man lang ba nila inisip na paulit-ulit na lang yung mga dinadakdak nila?! Buti sana kung araw-araw iba-iba eh, pero hindi, kapag umuuwi sila, kung ano yung huli nilang sinumbat sa 'kin, yun pa rin ang sasabihin nila. Pisti, nakakaumay kaya.

And another one, hindi napapansin lahat ni dad yun. Palagi silang nagbabait-baitan kapag nandyan na si dad. At kapag tinarayan at minalditahan ko sila, para silang mga batang inagawan ng laruan kung magsumbong sa DADDY KO. At si dad naman, to the rescue agad. In-short, wala syang pake sa 'kin. Mas mahalaga na ngayon sa kaniya yung dalawang asungot na gumulo sa buhay ko.

Minsan natatanong ko, bakit pa nila ko kinuha kay lola kung gaganituhin lang din nila ko?! Sana hinayaan na lang nila kong mabuhay kasama si lola Mae. Di ko kailangan ng pera nila. I'm happy just with my lola and with my bestfriends.

Dahil sa ginawang kalokohan ni Shan na pinasa sa 'kin at isinumbong kay dad, tuluyan niya kong pinagbawalang magkaroon ng connection and communication kay lola Mae. Kaya feeling ko, nawalan na ng saysay tong buhay ko.

Buti na lang talaga nandito pa yung dalawa kong bestfriends. They are Klealyn Montilla and Mishyjane Qui Collantes. And for us, we're the "Beauthree". Haha!

Klealyn Montilla. My most GGGSS friend. Yes, tatlong G. It means, gandang-gandang-ganda sa sarili. Maganda naman talaga siya, matangkad, balingkinitan, maputi, makinis yung mukha, matangos yung ilong, and mahaba at straight na straight yung buhok nya. Kaso nga lang, masyadong nasobrahan sa self-confidence.

Mishyjane Qui Collantes. My conyo friend. Masyadong Taglish ang language niya. Pero nagkakaintindihan pa rin naman kami kahit papano. Si Mishy naman, cute but maganda pa rin. Siya kasi yung pinakamaliit sa 'min. Maputi, matangos yung ilong, mahabang eye lashes, pinkish lips, medyo chubby but! hindi naman mataba, and mahaba na medyo wavy naman yung hair niya. Kaya for me, she's cute and gorgeous.

Sarili ko naman ide-describe ko.Magkasing-height lang kami ni Klea.Mahaba rin ang mga eyelashes ko same as Mishy, maputi, matangos ng ilong, mahaba rin yung straight and wavy (sa dulo) kong hair. And lastly, pink na pink ang lips ko. Haha, my favorite part in my whole body, charaught!

So, I'm done with my self and my bestfriends.

Let's proceed to my ex-bestfriend.

Pero bago 'yun, i-introduce ko muna sa klase yung sarili ko ah? Medyo lumalayo na yung lipad ng mga utak natin eh.

Tumayo na 'ko at pumunta sa harapan.

"I'm Andrea Laine Quintana, 18 years old."

'Yan lang naman yung sinabi ko kaya bumalik na agad ako sa upuan ko and finally, pwede na nating ituloy ang ating kwentuhan.

The Image of the PastHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora