Chapter 1
CREEP
Daylight
I wake up feeling like you won't play right
I used to know, but now that shit don't feel right
It made me put away my pride
Bigla akong nagising nang simula kong marinig ang boses ni Donald Glover. Redbone's been my favorite song of him as Childish Gambino, the last song on my lo-fi playlist. Means more or less 120 songs were played already to make past of my 8 hours sleep.
I always leave my bluetooth speakers on while I'm sleeping. I can't sleep with too much silence. Maraming pumapasok sa utak ko pag tahimik. At hindi ako nakakatulog pag ganoon.
Dali-dali akong bumangon at nicheck ang maliit na standing calendar sa desk ko. Others check the time before anything else pagkagising nila. But me, I don't.
"February 16, Friday," I muttered.
Happy birthday, Mom.
I miss my Mom.
Nahinto ang pagiging tulala ko nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Chain? Andito na si Kyle sa baba."
Yea right. Today is one of the days na siya na ang sundo ko.
For some reasons.
Binuksan ko ang pinto para kausapin si Manang Leti. "Good morning, manang. Pakisabi na lang po sa kanya na mabilis lang to. Magliligpit lang po ako."
"Naku iha, kahit na matagalan ka pa. Hindi magrereklamo yang si Kyle basta't ikaw," sinundot ni manang ang tagiliran ko. "At ano 'tong sundo sundo ngayon ha. Kayo na ba? Hmm?"
"Manang naman." Ngumisi lang ako at umiwas sa isa pa niyang sundot.
"Basta Chain, hintay hintay muna ha. Malapit na din naman kayong grumaduate," sabi ni manang habang hinihimas ang balikat ko. "Tsaka sa isa't isa na din naman kayo babagsak. Eh mula bata pa, kayo na magkasama niyang si Kyle. At hinding hindi magiging problema sa daddy mo kung magkakatuluyan kayo ng anak ng bestfriend nya."
"Ah, sige po maliligo na po 'ko," palusot ko na lang kay Manang para tantanan nya na ang pag-uusisa. Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngisi habang sinasara ang pinto.
Kyle has been with me since I was 8. I'm 20 now and he's 21. He's a year older. I'm taking up Business Management habang kanya ay Civil Engineering at pareho kaming graduating this year sa isang university dito sa Cagayan de Oro. Anak sya ni Tito Bernard, the Vice Mayor of the city and dad's bestfriend. Kaya madalas si Kyle dito sa bahay simula noon pa.
Habang naliligo, di mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Manang. The idea of me and Kyle. Yung kami. Yung siya ang makakatuluyan ko. Makakasama ko to build a family in the future. Well, there's nothing wrong with him naman. In fact, maraming nagkakagusto sa kanya. Others do say he's almost perfect. He's a varsity player of our school. Matangkad, tisoy, matalino, a gentleman, at hindi maikakaila ang resemblance nya sa kanyang ina na beauty queen noong araw. He got his hazel eyes from his mom.
But I just don't feel anything special towards him. At iyon ang downside nitong lahat. The awkward feeling still lingers in me dahil sa nangyari two days ago. That was exactly Valentine's Day.
