Nagsimula sa masaya
Nagtapos sa pagdudusa
Ano nga ba talaga ang nangyari?
Ako ba'y nagkulang sa iwi?
Bakit mo naman iniwan?
Ngayo'y ipinaglaban ka naman,
Ipinaglaban ng buong puso
Kahit mga pangako mo'y napako
Mahal saan nga ba nagkulang?
Bakit mo sinayang?
Minahal mo nga ba talaga ako?
Nagkaroon nga ba talaga ng 'tayo'?
Ang daming tanong sa isip at puso ko
Ngunit wala akong makuhang sagot sayo
Masaya ka na,ngunit ako'y lugmok parin
Lugmok parin sa pait ng kahapon
Gusto ko lang namang sumaya
At maranasang mahalin
Gumawa ng masayang ala-ala
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Pero wala eh,Iniwan rin ako
Nilisang wasak ang puso.
Na halos gumunaw na ang aking mundo.
Ngunit ito ang katotohanang tumama saking ulo.
Kailangan ko na nga sigurong tanggapin
Na ang salintang 'tayo'y' panadalian lang
Na hindi lahat ay tumatagal hanggang sa walang hanggan
Dahil tayo'y simpleng nilalang lamang
Di talaga lahat ng wakas ay masaya
Minsa'y wasak na katapusan
Ngunit kailangan nating lumaya
Para makamit natin ang katahimikan ng ating damdamin.
YOU ARE READING
Mga Tula Ng Isang Makata
Poetryang mga tinatagong emosyon, ay binubuhay ng madamdaming imahinasyon.
