Ang oras ay napaka halaga, kapag ito ay lumipas na hindi mo na ito magagawang ibalik.
Kaya ang bilis bilis lang din naman ng 2 months na summer vacation ko, hindi man lang ako nakapag outing dahil sobrang busy ang pamilya ko about sa business namin, at wala akong ginawa buong vacation kung hindi manood lang ng K-Drama. Oo sila ang buhay ko. Hindi ko alam kung paano ako naging ganito ka addict sa K-Drama pero sila ang nagpapasaya sa akin.
"Rae!!" Sigaw ng mayordama namin sa labas ng door ko.
"Why?" Sagot ko.
"Nandito yung kaibigan mong si Chanel"
"Uhmm, papasukin niyo na lang po magpapalit lang ako ng damit. I'll be there in a minute."
At pagkatapos kong magbihis ay nagmadali akong bumaba at naabutan ko si Chanel na nakaupo sa sofa namin.
"Hi Bessyy!!" Bati ko sa kaniya.
Lumapit ako sa kaniya at nag beso.
"By the way ,why are you here?" Tanong ko sa kaniya.
"Duuhh? Nakalimutan mo na ba? Hindi ba't sabi mo na mag ma-mall tayo ngayon para maka-bili ka na ng school-supplies?"
"Ahhh oo nga pala sorry, by the way hali ka na" Sabi ko sa kaniya at hinila siya papunta sa service ko na White Fortuner.
"Manong paki hatid po kami sa SM". Sabi ko sa driver namin.
Habang papunta kami sa mall ay pinatugtog ko ang aking paboritong kanta.
Habang nakikinig ako sa music ay bigla akong napasayaw at sinabayan narin ako ni Chanel, at nagtawanan kami.
Oo adik din ako sa K-pop, siguro dahil sa influence na rin ng mga kaklase ko.
At nang makarating kami ay dumiretso agad ako sa bookstore para makapamili ng school supplies.
At pagkatapos ay pumunta ako sa cashier para magbayad. At pinunch niya yung each and every item sa barcode reader.
5,786 po yung total ma'am. Sabi ng Cashier.
Binigyan ko siya ng 6,000 at sinabi ko na keep the change para hindi na kami matagalan.
At nang makalabas kami ay pumunta kami sa Coffeeshop dahil gutom na gutom na ako. Dumiretso ako sa counter para umorder.
"Uhmm can I order one large mango banana raspberry with soy milk and honey instead of sugar and less ice with a dash of vitamin e?"
Halos mawalan ako ng hininga sa pagsambit ko sa aking order na napakahaba.
"Sayo Chanel anong order mo?" Sabi ko.
"I think I'll go with the one large strawberry and raspberry juice with a splash of almond milk and a pinch of cocoa sugar."
Tumango ang barista at dumiretso kami sa table namin.
Habang chine-check ko yung IG account ko ay tinawag ako ni Chanel.
"Pssssssttt!! Rae tingnan mo oh ang gwapo talaga, ano kaya pangalan niya?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa isang random guy.
"Chanel talaga" sabi ko habang nakangisi sa bestfriend ko.
Wala akong pakialam kung makakita man ako nang mga gwapong lalake dahil siya lang talaga at wala nang iba. Oo si Sky lang at wala nang iba.
Biglang kumirot ang puso ko nang bigka kong naalala ang nangyari sa aming dalawa.
Flashback
"Sky, I'm so sorry sa lahat ng kasalanan ko, sorry kung iniwan kita, oo kasalanan ko but can you please love me again the way you did before?"
Tanong ko sa kaniya habang tumutulo yung luha ko.
"What?! Are you out of your mind Rae?! Oo, minahal kita pero noon yon at hindi na ngayon!" Sigaw ni Sky sa nanginginig niyang boses.
Parang gumuho ang mundo ko ng binitawan niya ang mga salitang iyon.
"Sky, please be with me again, ngayon ko lang kasi narealize na ikaw lang talaga ang mahal ko at wala nang iba!
Sky, please stay with me promise hindi na kita iiwan, mamahal-"
Bigla akong napatigil ng bigla siyang nagsalita.
"Tama na Rae, please. Tama na.
Nagbago na ako. Hindi mo na kayang paikot-ikotin ang mundo ko kagaya ng ginawa mo dati. Pinaasa mo lang ako! Niloko mo lang ako!"
Bigla akong nagising sa katotohanan nang biglang dumating yung order namin at hindi ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko.
"Okay ka lang ba girl?" Tanong ni Chanel sa akin.
"Oo, napuwing lang siguro ako." Pinunasan ko yung mga mata kong basang basa.
Nawalan ako ng ganang inumin yung order ko kaya tinake-out ko na lang at naisipan ko na rin na sa bahay na lang ito inumin.
Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko para maghanda sa pasukan bukas.
Inarrange ko yung mga libro at notebooks ko sa bag ko pati na rin yung mga pens at highlighters ko.
Pagkatapos kong magligpit ay nakatulog ako dahil napagod ako buong araw.
at hindi ko na alam anong susunod.
