Ang sakit yung nakikita mo yung mahal mo na may kasamang iba kahit alam mong hindi kayo para sa isa't isa.
Nandito ako ngayon sa park kung saan ko na kita jack kasama yung babaeng ipinalit niya sa akin.
Bakit niya nagawa to sa akin saan ba ako nagkulang.
Bakit niya ako sinaktan ng ganito ang hirap para akong mamatay kung wala siya.
Bigla na lang umulan ng malakas. Pati pa ulan nakikisabay sa drama ko.
Nagtataka ako kung bakit walang tumulo na tubig sa mukha.
Napatingin na ako kung bakit walang pumatak na ulan sa akin at nakita ko si kean na may hawak ng payong.
"Kean bakit nandito ka sa labas umuulan oh"-ako
"Danica may sasabihin ako sayo"-kean
"Kean pwede ba kung ano man ang sasabihin mo wala akong pakielam kean kung pwede umalis kana"-ako
"Danica Mahal kita "-kean
Natulala ako sa sinabi ni kean na mahal niya ko.
"Danica bakit ba ang manhid mo bakit ganyan ka"-kean
Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit si kean.
"Danica simula ng elementary palang tayo minahal na kita tapos hanggang ngayon mahal parin kita danica bakit ang manhid mo simula ng nagbreak up kayo ni jack parang iba kana hindi na ikaw yung danica na nakilala ko ang manhid mo nandito na yung taong tapat na magmahal pero hindi mo nararamdaman lagi nalang si jack danica hindi ka na mahal ni jack ako na yung nagmamahal sayo ako na nasasaktan din ako sa mga nangyayari sayo danica alam mo ba yung pakiramdam na yung mahal mo nasasaktan ng dahil sa mahal niya danica masakit din saakin yung nakikita ka na umiiyak lagi ng dahil sa katarantadohan ng lalaki na minahal danica kung kaya ko lang kunin ang sakit na nararamdaman mo sana ginawa ko na pero hindi ko kaya hindi ko alam paano kaba papasayain ka tulad nga dati hindi alam kong kaya ko pangmabuhay na nagkakaganyan ka alam mo ang sakit sakit na ng nararamdaman ko hindi ko lang ipinapakita sayo bakit napakamanhid mo bakit sana ako nalang ang minahal mo"-kean sabay walkout.
"Kean"-sigaw na sabi ko
Simula ng umamin sa akin kean hindi narin siya nagpaparamdam sa akin. Narealize ko na yung tao na palaging nandyan para patahanin ako kapag umiiyak at pasayahin ako narealize ko na siya yung nandyan para saakin siya yung nagmahal sa akin kahit alam kong nasasasaktan na siya. Kean sorry sana maintindihan mo ako sana dumating yung araw na mamahalin kita higit sa ginawa mo sa akin.
