HULI NA ANG LAHAT SA ATIN

4 0 0
                                        

By: Neessaanngg
May 17, 2017

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao dito sa mundo
tayo pa ang pinagtagpo
na alam ko na naman ang magiging kahihinatnan nito.
Isang malaking pader na nakaharang, nakaharang sa katotohanang hindi talaga dapat

Pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana
Sinubukan lang pala tayo ng tadhana
Para subukan ang puso nating naging mahina
Para sa mga bagay bagay na ating inakala
Na tayong dalawa ang magsasama
OO, ako ang sumuko at naging mahina
Sa madaling sabi, iniwan at sumuko ako sa ating dalawa
Akala ko kaya ko, pero nagkamali ako
Akala ko magiging okay ako, pero nagkamali na naman ako
Sabi nila maraming namamatay sa maling akala
Pero bakit hindi ako yung namatay
Yung puso ko lang yung nadamay
Habang ako eto nabubuhay
Dinaramdam ang sakit na walang humpay
Sa puso kong kahit nasasaktan pero patuloy paring lumalaban
Lumalaban , pero  wala na pala akong ipinaglalaban

Bumalik ako, nagbabakasakaling tatanggapin mo
Sa kadahilanang hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko
Sinabi mo saking “Hindi kapa huli, hindi pa huli”
Ako’y natuwa at nagsimulang suyuin ka
Nang mapansin kong ako’y yong binabalewala
Inintindi kita kasi kasalanan ko nga at mahal parin kita
Nang dumating ang isang araw na sinabi mong “Tama na , Tapos na”
“nawala na ang pagmamahal ko sayo , nawala kana sa puso ko”
Bumagsak ang mga luhang naging saksi
Naging saksi sa mga masasakit mong sinabi

Ang daming katanungan sa aking isipan
Sa tanong na “BAKIT” ? ganoon nalang
Na hindi malaman kung ano ang dahilan
Sa mga tanong kung bakit mo kinalimutan
Kung bakit ka nagkakaganyan
Kung bakit mo binitawan
Kung bakit naging madali sayo ang lahat.
Yan ang mga tanong na hindi ko maintindihan
Na halos pati ikaw hindi rin alam ang sapat na dahilan

Nawala na parang bula ang ating pinagsamahan
Ang pagmamahal na ating pinanindigan
Pati mga pangakong ating binitawan
Bakit ganon ?
Kung Kaylan handa na akong lumaban
‘saka mo naman ako sinukuan at pinagtabuyan

Ako ba talaga ang nagkulang?
Ako’y halos manghinayang
Sa ating pinagsamahang nasayang
Mga panahong AKO at IKAW lamang

Ewan ko ba kung bakit hindi ko lubos maisip na wala kana
Wala na’ng ikaw na sakin ay nagbibigay saya
Wala na ang lalaking aking sinisinta
Wala ng “MAGANDANG UMAGA” sakin tuwing umaga
Gigising sa mga mensahe mong pagkahaba-haba
Wala ng mangangamusta
Wala ng magtatanong kung “KUMAIN KANA BA?”
Wala ng magsasabi kung gaano ka kaganda
Wala ng magsasabi kung gaano siya kasaya kasi kasama ka niya
Wala ng magsasabi kung gaano ka kahalaga
na paulit-ulit na sinasabing “MAHAL NA MAHAL KITA”
at “SOBRANG NAMIMISS NA KITA”
wala ng sasakit pa sa mga salita
sa mga salitang bigla nalang nawala
at higit sa lahat wala ng IKAW at AKO
na nangakong hindi magkakalayo
na galing pa sa atin mismo

Kung hindi ba ako sumuko , tayo parin ba hanggang sa dulo ?
Araw-araw naman kitang sinuyo
Hanggang sa ikaw ay hindi na kumibo
Hanggang sa naglaho na ang pagmamahal mo
Nahuli na nga ako para bumalik sayo
Dahil nawala na ako
nawala na ako sa puso mo
Dahil kinalimutan mo agad ang nararamdaman mo
Hindi mo man lang pina’alam
na wala na pala lahat
Sana sinabi mo na lang ng maaga
Ngayon akoy lubos na nasasaktan
Kasi wala na ang pag-ibig na inaasam

Sana hindi nalang nangyari ang lahat
Dahil sa sakit na king buhat-buhat
Hanggang kaylan ko ito dadalhin
Hanggang kaylan ko ito tatanggapin
na wala kana sa akin
habang buhay ko nalang ba na kikimkimin ?
na HULI NA ANG LAHAT SA ATIN.
Paalam na sa ating pag-ibig
Paalam na
Paalam na sayo aking mahal
Paalam na…

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huli na ang lahat sa atinStories to obsess over. Discover now