Naglalakad kami ngayon sa park habang magkahawak ang kamay. Kahit papaano napapangiti na ako dahil pinapatawa n'ya ako sa mga kinukwento n'ya sa akin.

"Tapos sa room namin yung mga lalaki do'n ang lalakas mantrip. Hindi mo namamalayan yung bag mo may laman ng mga basura, " natatawa n'yang kwento. Syempre tatawa rin ako kasi nakakatawa naman talaga.

"Oo nga pala, baby, debut na ni Ana next week, invited tayong dalawa. Kasama ka nga sa 18th roses eh ako naman sa 18th gifts," pag-iiba ko ng topic.

Si Ana yung best friend ko, s'ya lagi ang sandalan ko kapag may problema kami ni Ian. Minsan kinakausap pa n'ya si Ian para lang magkaayos kami.

"Bohemian ang theme ng party n'ya. Maghanda ka ng susuotin mo ah." Masigla kong sabi pero s'ya naman biglang nawala yung kaninang masaya n'yang ngiti.

"May problema ba Ian?" tanong ko.

"Huh? Wala naman. Hindi ko lang sure kung makakapunta ako kasi next week din namin sisimulan yung shooting para sa short film na gagawin namin," paliwanag n'ya.

Napabitaw agad ako sa pagkakahawak n'ya sa kamay ko. "Pero next week na rin ang monthsary natin," paalala ko sa kanya.

Huminga s'ya ng malalim saka muling hinawakan ang kamay ko. "Baby, alam mo naman kung gaano kahectic ang schedule ko diba? Nasa higher section ako kaya marami sa amin ang pinapagawa."

"Kapag sa akin walang oras pero kapag sa mga kaibigan mo gumagawa ka ng paraan para makapagbonding kayo," tumingin ako sa mata n'ya pero s'ya hindi makatingin sa akin ng maayos.

"Via, intindihin mo naman ako."

"Intindihin!? Ilang beses na ba kitang inintindi? Ilang monthsary na ang hindi natin nai-celebrate dahil sa punyemas na kaibigan at tropa mo!? Then you want me to understand you!?" hindi ko na napigilan ang sarili ko. May ilang mga tao na ang napatingin sa amin dahil sa pagtaas ng boses ko.

"Ano bang problema mo? Hindi lang ako makakapunta sa debut n'yang kaibigan mo nagagalit ka na agad!? Jusko naman Via, napakababaw mo!!" naiinis n'yang sabi.

Ako pa ngayon ang mababaw. Ako pa ngayon ang may kasalanan. Grabeeee.

"I have to go. Ayokong makipagtalo sa'yo baka kung saan pa mapunta itong usapan na ito," papaalis na s'ya pero bago pa makalayo muli akong nagsalita.

"Alam mo, mas mabuting iwan mo na lang ako. Mas mabuti pang tapusin na natin ito kaysa laging ganito. Lagi tayong nag-aaway at pinaparamdam mo sa akin na mas mahalaga pa ang mga kaibigan mo kaysa sa akin."

Dumidilim na ang kalangitan pero hindi nito maitatago ang mga luhang unti unti nang tumutulo sa aking mga mata. Seryoso s'yang lumingon sa akin kaya lumapit ako sa kanya para makita n'ya kung gaano ako nasasaktan ngayon, "Mas mabuti pa ngang iwan mo na lang ako kaysa yung ganyang pinapaniwala mo kong mahal mo pa ako at masaya ka pa rin sa akin, kahit ramdam ko namang hindi na," dagdag ko pa. Gustong sumabog ng puso ko ngayon sa sobrang sakit ng nararamdam ko.

Gusto ko pang magsalita pero parang napipi na ako. Pinunasan ko ang aking mga luha saka nakangiting tumingin sa kanya. Ayokong makita n'yang mahina ako. Ayokong isipin na sobrang mahal na mahal ko s'ya, ang unfair naman kung sobrang mahal ko s'ya pero ako parang wala lang sa kanya.

"Tama ka, hindi na kita mahal. Hindi na ako masaya sa kung anong meron tayo ngayon, " pagbasag n'ya sa katahimikan.

Parang lalong kumabog ang puso ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Pero mas pinili kong kumalma kahit gustong gusto kong sampalin s'ya ngayon.

"Palagi na lang tayong nag-aaway kahit sa maliit na bagay. Marami na tayong hindi pagkakaintindihan at sa tagal na nating magkarelasyon marami na ang nagbago,"

Huwag mo kong idamay sa pagbabagong sinasabi mo. Ikaw lang ang nagbago hindi ako. Ako lagi ang umiintindi sa'yo kahit gustong gusto kong makasama kita pero hindi pu-pwede dahil ang lagi mong dahilan busy ka sa school works n'yo pero ang totoo naman talaga busy ka sa mga kaibigan mo. Inisip ko na baka gusto mo lang makipag socialize pero sobra naman na yata. Sila na ang prioritize mo hindi na ako. Hindi na ako kasi hindi mo na pala mahal! Hindi ka na masaya sa akin!

"Masyado na tayong nasasakal sa isa't isa. Masyado nating itinuon ang oras natin sa isa't isa. Ginawa nating mundo ang isa't isa. Pero hindi natin alam na may mga bagay pa tayong kailangang i-explore. Masyadong malaki ang mundo para hindi ito i-enjoy. We only live once kaya dapat magsaya muna tayo. I'm sorry, Via." mahaba n'yang paliwanag. Kita kitang ko sa mga mata n'ya ang kalungkutan.

Gusto ko pa sanang depensahan ang mga sinabi n'ya pero marami nang emosyon ang nailabas ko ngayon kaya tumahimik na lang ako. Gusto ko s'yang titigan pero hindi ko na kaya. Hindi ko inaasahan na huling pagtitig ko na pala iyong kanina.

Siguro nga tama s'ya . Pero tama rin naman ako diba? Parehong tama ang aming pinaglalaban kaya isa lang din ang dapat na kahantungan nito.

Sa huling pagkakataon lakas loob akong tumingin sa kanyang mga mata. "Ayoko naman gawin ito pero dahil gusto mo..." garalgal kong sabi habang s'ya ay seryoso nakatingin sa akin.

"It may seem as the hardest thing to do," pagpapatuloy ko habang pinipigilan ang lumuha

Pinilit kong intindihin ka, ginawa ko ang lahat para magkaroon pa rin tayo ng komunikasyon sa isa't isa. Pero sa mga pinapakita mo at sa bawat kilos mo alam kong pagod ka na. Hindi ko kayang bitawan ka dahil alam kong may pag-asa pa. Kaso sa ginagawa mo, wala ng ibang paraan kundi ang bitawan ka.

"Pinapalaya na kita."

Kasabay nang paglihis ng aming mga landas ay ang pagbuhos ng malakas na ulan sa itaas. Bawat hakbang papalayo sa'yo mas nararamdaman kong wala na talaga akong halaga. Mahal kita pero ito ang tama, ang bitawan ka.

Marami ang nagtatakbo para makahanap ng masisilungan pero ako patuloy lang sa paglalakad. Hindi ko na s'ya nilingon pagkatapos kong sabihin ang mga katagang tatapos sa relasyon naming dalawa. Nakipagsabayan din ang aking luha sa lakas ng ulan. Alam kong matatapos din ang relasyon namin pero hindi ko inaasahan na ganito kaaga matatapos ito.

Salamat ulan, dahil dinamayan mo ako ngayon.

A/N: Enjoy Reading.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now