De-Miya 1

6.7K 170 21
                                    

*****

I over heard their conversation nung papadaan ako sa canteen.

"Sa labas tayo. I don't like here. Foods are gross!" Maarteng salita ng isa sa kaibigan ni ate Demi.

"Yeah right!" Segunda naman ng isa.

"Okay din naman a. Aarte nyo ha." Sabi naman ni ate Jimini. Sya ang pinakagusto ko sa lahat ng kaibigan ni ate.

"Like duh! Hindi kaya." Sabi ulit nung isa na nakapout. Pulang pula ang labi dahil sa lipstick.

"Sa labad na tayo kumain Jim." Ani ate. Mabilis akong lumapit sa kanila.

"Ate!" Kunot noo itong tumingin sa direksyon ko. Nakapamaywang naman ang dalawang minions. Si ate Jimini naman ay agad na ngumiti sa akin.

"What?" Salubong ang kilay nyang tanong sa akin.

"Marami akong baon ate Demin. Share tayo." Nakangiting alok ko at itinaas ang paper bag na dala ko.

"Ikaw nalang ang kumain nyan. Ayaw kitang kasabay. Lets go!" Masungit nitong sabi at inaya na ang kaibigan.

"Wait!" Si ate Jimini. " I think I like your baon baby Miya. Tayo na lang ang kakain ng baon mo." Anito at inagaw ang paper bag na dala ko. Pinipigilan kong mapahikbi. Alam ko ginawa lang nya ito para iligtas ako sa  pagpapahiya sa akin ni ate Demi.

"Tsk! Bahala ka!" Ani ate at nilagpasan na kami.

"So, tara sa park ng school para don na tayo kumain." Anito at inamoy amoy ang bungad ng paper bag.

"You don't have to do this ate Jim. You can go with ate." Kako at  diko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Dont cry baby. Hayaan mo na lang ang ate mo sa mga clown nyang friends." She said while patting my back. "Lets eat common!" Marahan nya akong hinila.

"Why ate Jim? They're not your friend? Diba kaibigan nyo sila ni ate Demi.? Curious na tanong ko.

"No." Sagot nito at nilapag ang paper bag sa mesa. Umupo na din kami sa bench. "Ate mo lang kaibigan ko sa kanila and ofcourse ikaw." Anitong ngumiti. Naglabasan tuloy ang pantay pantay at mapuputi nitong ngipin.

"Talaga!" Namimilog ang matang sabi ko.

"Yep! So kain na tayo. Masarap siguro ang baon mo. Masarap magluto si tita Ciel!" Excited nitong sabi.

"You're right ate Jim. Kain na tayo and salamat sa pagsama sa akin dito." Sincere na sabi ko.

*****

"How's my baby? Kumusta ang pag aaral mo?" Si mama Ciel. Baby ang tawag nya sa aming lahat.

"Okay naman po ma. Nakakapag adjust na rin po ako." Sagot ko. First year college na kasi ako. Si ate Demi naman ay graduating na.

"Bakit parang malungkot ka?" Anito at hinaplos ang pisngi ko. They're always been nice to me. Di nila ako itinuring na iba hanggang ngayon. Si ate Demi lang ang di ko lubos maisip kung bakit napakainit ng dugo nya sa akin.

"Sinungitan nanaman yan ni ate Demi, panigurado." Ani Lexie. Ang bunso naming kapatid. Nasa senior high pa lang ito. Pinandilatan ko sya. Kung anu ano nanamang sinusumbong.

"Is it true?" Ani mama.

"Ah ma hindi po. " kaila ko.

"Bakit di mo kasi sabihin ang totoo ate Miya. Napakamartir mo. Gusto mo suntukin ko yong nguso ni ate Demi para magtanda?" Anito pa at itinaas ang kamao.

"Hindi  tama ang ganyang gawain Lexie." Saway ni momy Alex na lumapit sa akin.

"Kasalanan ko rin po kasi kung bakit ako sinungitan ni ate. Kinulit ko po sya." Sabi kong nakayuko.

"Even though! She's not supposed to shame you in public, infront of her duck friends!." Ani Lexie. Kahit mas matanda kami sa kanya ay matured na ito kung magsalita. Kung alam nyang tama talagang paninindigan nya.

"Were so sorry iha." Ani mom. "Ilang beses ko na bang pinagalitan ang ate nyo? Di ko na mabilang."

"Panu naman kasi magtitino yon hon. Eh ikaw ang nang spoild don. Di na yon matatakot sayo!" Si mama.

"Ma, mom. Wag na po natin palakihin to. Di ko na lang po lalapitan si ate." Sabi ko.

"Better. Kala nya siguro di ko malalamang pinahiya ka nya nanaman. I have so many look out there!" Ani Lexie.

"Thank you Lexie." Sabi ko at niyakap sya, ginulo ko din ang buhok nya saka tumakbo papunta na sa kwarto ko.

"Ate!! Humanda ka sa akin!" Anito at mabilis na humabol sa akin.

***

Alasdyes ng gabi nung makaramdam ako ng uhaw. Itinigil ko muna ng pagrereview ko para bumaba sa kusina.
Tahimik na ang buong bahay. Malamang tulog na  sina mama.
Binuksan ko ang ref at nilabas ang pitsel na may lamang tubig, nagsalin ako sa baso at dahan dahang uminom.

Nagulat ako at natapon ang tubig sa damit ko nung may tumikhim.

"Scared?"

"A-ate!" Nauutal na sabi ko.

"Yes, my sweet baby sister....." anito at unti unti itong lumakad palapit sa akin.

"Ah..." nag aapuhap ako ng sasabihin ko. Para kasing bigla na nakadama ako ng takot sa kanya.

"You looked so scared baby sister... why? Di ba kanina lang ay inaalok mo ako sa baon mo?" Anito na halos pabulong sa akin. Masyado itong malapit sa akin kaya naamoy ko ang alak sa hininga nya.

"La-lasing ka ate." Kako at bahagya ko syang itinulak. Nakasandal na kasi ang pwet ko sa gilid ng mesa dahil masyado na itong nakadikit sa akin.

"May problema ba kung lasing ako hmm?" Anito at ikiniskis ang paa nya sa hita ko kaya mas lalo ko syang itinulak. Naka dress lang ako na pantulog, manipis at maiksi kaya ramdam ko ang balat nyang kumikiskis sa akin dahil naka maong shorts lang din ito.

"A-ate anu kasi ma-masama ang uminom na alak." Nauutal pa ding sabi ko. Ayaw pa din nitong lumayo kahit panay na tulak ko sa kanya. Nakakailang naman kasi ang pwesto naming dalawa.

"How can you say that eh alak nga ang business ng magulang natin." Anito. "Gusto ko lang makalimot sa problema ko kaya ako naglasing."

"A-anong problema mo ate. Baka... baka makatulong ako."
Ngumisi sya sa akin.

"Ikaw ang problema ko baby sister. Sana wala ka dito. Sana hindi kita naging kapatid!" Anito at iniwan nya ako.
Napaiyak na lang ako. Ano ba ang kasalanang nagawa ko sa kanya para di nya ako tanggapin bilang kapatid?


Vote

-AcemarieT-

DE-MIYA [R18]Where stories live. Discover now