Bakit Mahal?

13 1 0
                                        

Bakit Mahal?
"Bakit nagawa mo sa akin ang mga bagay na ito?"


Bakit ang daming tanong na gumugulo sa ating isipan?
Ni'isa naman dito ay wala tayong masagot.
Gaya nung pag iwan niya sa akin ng biglaan.
Bakit niya yun nagawa? Bakit may kulang pa ba sa akin?

Bakit... bakit... bakit...

Madaming tanong ang pumapasok sa isipan natin.

Tulad ng

Bakit siya pa? Pwede namang ako.
Bakit mas pinili mo siya? Ako naman yung laging nandito para sayo.
Bakit mas lamang siya? Ako naman yung laging kasama mo.

Ang hirap magtanong sa sarili ng puro bakit
Pero wala tayong masagot dahil alam natin mismo
Na hindi natin alam ang dahilan nila
Hindi maliwanag sa ating kung bakit nila yun ginawa

Tulad nung sinabi mo sa akin na bitawan na kita kasi nahihirapan na ako
Pero bakit ako mahihirapan kung ginagawa ko naman yun para sa taong mahal ko

Bakit kita bibitawan kung kaya ko pa namang ipaglaban ang TAYO?

Bakit ko pipiliing layuan ka kung alam kong ako mismo maghihirap dahil sa desisyong ginawa ko?

Bakit ko kailangang isakripisyo yung kaligayahan ko kung kaya ko pa namang sarilinin yung sakit na nararamdaman ko?

Bakit ko isusuko yung taong naghirap na makuha ako kung alam ko sa sarili ko na nagkaroon na siya ng espesyal na parte sa buhay ko?

Bakit kita bibitawan kung kaya pa naman kitang ipaglaban?

Kaya ko pa namang tiisin yung sakit na dulot mo sa tuwing niloloko mo ko.
Kaya ko pa namang pigilin yung luha na bumabagsak sa mga mata ko wag mo lang ipagdiinan na maghiwalay na tayo.
Kaya ko pa namang ngumiti kahit na peke para lang sayo.

Kaya ko pa namang gawin ang kahit na anong gusto mo wag mo lang akong iwang mag isa na parang tanga na lumalaban sa gera na dapat tayong dalawa ang magkasama.

Kaya ko pang maging assumera na ayos pa ang lahat wag ka lang mawala sa tabi ko
Kasi alam mo nasanay na ako na lagi kang nandiyan.

Nasanay ako na laging kang nandiyan para punasan ang luha ko sa tuwing nanunuod tayo ng mga drama.
Nasanay ako na lagi kang nandiyan para patawanin ako tuwing hindi maganda ang simula ng araw ko.
Nasanay ako na may kasamang lumalaban at humaharap sa mga pagsubok na hatid ng buhay sakin.

Pero ngayong nakapag desisyon ka na, na iwan ako.
Tatanggapin ko lahat lahat ng sakit na dulot ng desisyon mo.
Tatanggapin ko na ayaw mo na akong makasama, na iba na yung gusto mo.
Tatanggapin ko na iba na yung dahilan ng pag ngiti mo.

Pero please naman sagutin mo naman yung mga tanong ko.

Bakit mo ko kailangang bitiwan kung alam mo namang kaya pa kitang ipaglaban?

Bakit mo ko kailangang iwan sa gitna ng madugong labanan na luhaan?

Bakit mo ko kailangang saktan sa ganitong paraan?

Ganun na lang kadali sayo itapon ang mga oras, minuto, araw, buwan, taon o segundo man lang na magkasama tayo?

Ganun na lang kadali sayo na kalimutan kung ano man ang meron TAYO NOON?

Ganun na lang kadali sayo na palitan ako diyan sa puso mo?

Bakit? Sa loob ba ng maraming taon na magkasama tayo wala ba akong espesyal na puwang diyan sa puso mo?

Bakit? Sa loob ba ng maraming buwan na magkasama tayo lahat ba yun sayo ay laro?

Bakit? Sa loob ba ng maraming araw na kapiling kita at kasama kitang gumagawa ng mga espesyal na memorya lahat ba yun ay lokohan lang?

Ano pa bang kulang sakin? Ano bang meron siya na wala ako? Ano bang nakita mo sa kaniya kaya iniwan mo ko? Ano ba! Sumagot ka!

Ganun na lang ba yun? Mananatiling tanong ang mga BAKIT na yan sa utak ko? Mananatiling tanong ang mga yan at iiwan mo ng walang kasagutan?

Bakit mahal? Bakit ganun na lang kadali sayo ang iwan, saktan, paiyakin at balewalain ako? Bakit?

Mas masakit nung tinanong niya ako ng "Bakit? Sino ka ba sa buhay ko?" mas pinili kong wag umiyak kasi sabi ko sa sarili ko nakapag move on ka na kaya dapat hindi ka na apektado!

Not Just A NothingWhere stories live. Discover now