Jade's POV

Bandang hapon pa ako nakapagrelax. Sa halip ay lumabas na lang muna ako ng Hotel at nagtungo sa beach. Hindi na masyadong tirik ang araw kaya masarap nang tumambay sa tabing dagat. Ang dalawang production staff na ka-share ko sa room ay mas piniling matulog. Kaya mag-isa lang akong lumabas.

Inilatag ko ang dala kong towel sa sunbathing chair bago ako naupo doon. Hinubad ko ang white see through beach dress ko. Kaya tumambad ang napakasexy kong katawan sa two piece bikini kong suot. Pagkatapos kong maglagay ng sunblock sa katawan ay nahiga na ako.

Alam kong napapatingin sa akin ang mga tao sa paligid lalo na ang mga kalalakihan. Ngunit deadma lang sila sa akin. Laking pasalamat ko na lang dahil walang nagtatangkang lumapit sa kin. Pihado kasi na baka matarayan ko lang sila.

Isinuot ko ang sunglass na nakapatong sa ulo ko at ipinikit ko ang aking mga mata. Ang sarap sa pakiramdam dahil naririnig ko ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan. Nakakarelax sa pakiramdam.

"Huwag kang magbilad ng ganyan kapag hindi mo ako kasama." Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses na iyon. Teka! Anong ginagawa niya dito? Tinakpan niya ng towel ang katawan ko at naupo siya sa gilid ko paharap sa akin.

"A-althea.." Gulat na gulat kong sambit. Inalis ko ang shades ko para makasigurong kaharap ko nga ito at hindi ako nananaginip lamang.

"Bibi ganyan ka ba palagi kapag wala ako?" Kunot ang noo niyang tanong sa akin. Tss! Kung minsan talaga itong girlfriend ko ay napaka-protective. Para na siyang si Dad or si Kuya.

"Hey! Nagrerelax lang ako dito. Ano bang masama?" Bagaman mahinahon ang pagkakasabi ko ay hindi maiwasang mahaluan ng inis. Ikaw ba naman ang masurprise sa walang pasabing darating siya tapos ganito ang isasalubong sa akin? Nakakainit tuloy siya ng ulo.

"Bibi I'm just worried, okay? Pano kung may mambastos sayo dito?"

Okay, I got it! She's just concerned about me. Huminga muna ako ng malalim para mawala ang badtrip ko. "Ano palang ginagawa mo dito? Baka mapagalitan ka ng Kuya mo kapag nalaman niyang pinapabayaan mo ang trabaho mo dahil sa kin."

Maya-maya ay ngumiti na siya sa akin. "Miss na miss na kasi kita. Ikaw Bibi namiss mo ba ako?"

Bahagyang pinamulahan ako ng pisnge sabay iwas ng tingin sa kanya. "Para kang sira Althea! Hanggang bukas na lang kami dito hindi mo pa talaga nahintay?"

"Ano kasi.. si Kuya Gab. Siya ang nagsabing sundan kita dito." Muli akong napatingin sa kanya.

"Oh, bakit daw? Akala ko ba busy ka na palagi kasi kung ano-anong ipinapagawa sayo ng Kuya Gab mo?" Na-conscious akong bigla nang mahuli ko siyang nakatingin sa cleavage ko. Tinakpan ko iyon ng towel na siyang ibinalot niya sa akin kanina. Napatawa siya sa inasal ko. "Ang manyak mo nakakainis ka!" Sabay hampas ko braso niya.

"Aray! Bibi parang hindi ko pa yan nakita ng full. Kung makahampas ka naman." Aniyang tawang-tawa pa rin sa akin.

"Mahal mo ba talaga ako or katawan ko lang itong habol mo?" Kunwaring naiinis kong tanong sa kanya.

"Hoy! Sobra ka naman Bibi. Siyempre mahal na mahal kita. Nagkataon lang na super nakakaakit yang ka-sexyhan mo. Kaya mas lalo akong nababaliw sayo."

"Gaga ka talaga eh noh!" Sabay hampas ko ulit sa kanya.

"Kung ayaw mong pagnasaan kita lalo na ng ibang tao ay huwag na huwag mong ibibilad ang kasexyhan mo dito. Tingnan mo sila." Napatingin ako sa iminustra niya. May mga kalalakihan na maya't-maya ang sulyap sa gawi ko. "Kanina ka pa nila tinitingnan Bibi. Kaya inunanhan ko na silang lapitan ka."

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now