"Krishna.. Mamaya pagtapos mong kumain ay may pupuntahan tayo," sabi ng Inang Reyna nang magsimula na kaming kumain.

"Saan po tayo pupunta?"

Imbis na sagutin ang tanong ko ay nagkatinginan lang si King Aven, Queen Alijah at ang Inang Reyna. Woah. Ano 'yun?

"Baka mamaya kung anong gawin niyo kay Krishna ha?" singit ni Raven.

"Wala ka bang tiwala sa'kin, apo?" natatawang tugon ng Inang Reyna. And again, the three of them exchange glances. Lalo tuloy kaming naguluhan ni Raven.

Pagtapos nga naming kumain ay nagbihis na ako para sa pag-alis namin ng Inang Reyna. For the first time ay ngayon ko pa lang nabuksan ang walk-in closet dito sa kwarto ko. Holy mother of cheese! Ang daming damit!

"Eenie meenie mini mo! Aha!" kumuha ako ng isang dress. Ang kyuuuuut!

Paglabas ko ng kwarto ko may dalawang royal maids nang nag-aabang. Inihatid nila ako sa labas ng palasyo. Pagdating namin ay naabutan ko na doon ang Inang Reyna at nag-aabang na rin sa amin ang isang itim na limousine.

Nilandas ng tingin ng Inang Reyna ang itsura ko mula ulo hanggang paa. "Krishna hija.. Bakit ganyan naman ang isinuot mo?"

"H-Ho? May mali po ba suot ko?"

"Hindi ka man lang nagdala ng panlamig," tugon nito habang nakaukit sa labi ang isang ngiting hindi ko mawari kung para saan. "Lalamigin ka. Umuulan na ngayon ng nyebe sa labas."

***

Kanina pa hindi mapakali ang Lancer sa kanyang kinauupan. May higit isang oras na rin siyang naghihintay ngunit hindi pa rin lumalabas ng silid ang kanyang ina.

"Caster! Matagal pa ba?!" sigaw niya sabay katok sa pinto ng silid. Wala siyang narinig na sagot dahilan upang lalo siyang maburyong.

Pagbalik niya sa upuan ay saktong bumukas na ang silid ng Caster. Lumabas dito ang kanyang ina na may bitbit na maliit na botelya sa kanang palad.

"Bakit ba hindi ka makapaghintay? O," iniabot ng Caster sa anak ang botelya. "Isang patak lang dapat. Malakas ang bisa n'yan."

"Salamat, ma."

"Teka nga muna." Mabilis na hinaklit ng Caster ang kwelyo ng anak bago makaalis. "Bakit mo ba 'yan gagamitin kay Raven? Tandaan mo. Wala na tayong pake sa kanya ngayon. Si Krishna na ang prayoridad nating pagtuunan ng pansin sa palasyo."

"Ma naman.." humarap ang Lancer sa ina. "Ngayong araw na!"

"Ang ano?"

"Tss.."

"Ang ano nga sabi!?"

"Ah basta!" kumaripas ng takbo ang Lancer para matakasan ang ina. Nahihiya siyang sabihin dito kung bakit siya nagpagawa ng ganitong klase ng gamot. Agad tumungo si Caleb sa Ishvara palace upang isagawa ang kanyang plano. Tulad ng inaasahan ay abala ang lahat sa paghahanda. Ngayon na talaga ang itinakdang araw, sa isip-isip niya.

"Magandang gabi po, Prinsipe Caleb." sabay sabay na bati sa kanya ng mga nakasalubong niyang royal maids.

Napatingin si Caleb sa dala ng isang maid. "Ano ang inumin na 'yan?"

"I-Ito po ba?" Tila namula ang tagapagsilbi sa itinanong niya. "Isa po itong inumin na nakakapagpainit sa katawan ng isang bampira."

Mahinang naghagikgikan ang mga kasamahan nitong tagapagsilbi. Naintindihan naman ni Caleb ang ibig sabihin ng royal maid. Talaga palang ginagawa ang ganitong kalokohan tuwing ritwal. "Ah.. Sige. Makakaalis na kayo."

Nagpatuloy na sa paglalakad ang mga tagapagsilbi ngunit sa paglagpas ng mga ito kay Caleb ay pinahaba niya ang kanyang Lance. Mabilis siyang gumuhit ng bilog sa sahig at dagli itong umilaw. Sa isang iglap lamang ay napatigil na ni Caleb ang oras.

"Hmm.." naglakad siya patungo sa mga tagapagsilbing hindi gumagalaw habang pinaglalaruan niya sa kanyang kamay ang hawak na botelya. "Pasensyahan na lang muna, Raven. Pero mas may tiwala ako sa Crown Prince."

Ibinuhos ni Caleb ang gamot sa inuming dala-dala ng tagapagsilbi. Ang gamot na iyon ay may kakahayang pagpalitin ng posisyon ang isang alter. Napangiti siya nang maubos na ang gamot sa botelya. Mas maraming gamot, mas matagal ang epekto.

Parang walang nangyari nang ibalik muli ni Caleb ang takbo ng oras. Nagpatuloy na sa paglalakad ang mga royal maids habang siya naman ay all-smiles na naglalakad sa kabilang direksyon.

Midnight FairytaleWhere stories live. Discover now