Chapter 35

37K 1K 25
                                    

Chapter 35

      Matapos naming umalis sa mall ay dumeretso kami sa dalampasigan na malapit lang sa kinaroroonan ng akademya. Ang akademya kasing ito ay dagat na sa likuran. Kumbaga nasa dulong bahagi na ng mapa kaya malapit sa dagat. Kaya kahit na nasa loob pa rin kami ng akademya ay naamoy pa rin namin ang simoy ng tubig dagat.

"16 seconds! That fast!" namamangha ngunit may halong inis ang tinig ni Ace. Magkasalubong ang kilay nito at nakalabi pa kaya napatawa ako.

"You'll defeat me one day."

"No! I want to defeat you today."

     Napailing-iling na lamang ako habang pinagmamasdan itong muling ginulo at i assemble ang Rubik's cube.

"1 minute and 5 seconds."

      Sa inis ay hinagis niya sa buhanginan ang laruan at nagpapadyak na lumapit sa akin at yumakap sa bewang ko.

"I missed daddy."

    Natigilan ako sa bulong nito at napabuntong hininga. Kung bakit kasi nawala 'yung ina mo. Babatukan ko talaga 'yung babaeng 'yun kapag iniwan ka niya nang walang dahilan.

"Your daddy will be home days from now."

"But it's okay. Mom is enough, " napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Mag-aapat na taon pa lang. Paano pa kaya kung lumaki na 'to?

    Teka. Makareview nga. Ano nga bang pinakain ko rito? Ah, 'yung gatas niya noong months pa lang siya na umabot ng limang libo tas nung nag one na siya ay panay gulay at prutas na nakablend na ang pinapainom ko. Tinuturuang magbasa at kinukwentuhan ng kahit na anong fairytales na akala mo babae ang inaalagaan ko.

   Salamat kay Master Asuna sa pagturo sa akin sa mga kinakailangang gawin. 'Yun din kasi raw ang ginawa sa kaniya ng magulang niya kaya napakatalino niya. Hambog pero totoo naman. Ang taas ng IQ ng isang din 'yun eh.

     Ilang sandali pa ay lumuwang ang pagkakayakap sa akin ni Ace. Kumunot ang noo nito habang may tinitignan sa likuran. Marahil ay naramdaman din ang mga yabag na papalapit. Kumunot din ang noo ko at mas lalo pa nang makita si Ivronsen. Nakapamulsa ito at bahagyang tumatabon ang dulo ng buhok niya sa mata niya kaya hinawi niya ito.

    Nakangisi pa ito kaya napabusangot ang mukha ko.

"Well, well, well. Iverson's wife is breaking the rule. Why is that?"

" You as well!" Ito ang unang beses na nakita ko siya muli noong nagkompratahan sa opisina ng Lolo niya.

" Kapag nalaman to ni Iverson, lagot ka," pananakot nito.

" Okay lang, sasabihin ko namang pinuwersa ako ni brother-in-law."

" Yucks," puno ng pandidiring sagot niya.

    Muli siyang humakbang palapit pero tumayo si Ace sa harap ko at sinamaan ng tingin ang bagong dating. Napatingin si Ivronsen kay Ace. Napahinto siya sa paglalakad at nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon niya kaya pinagmasdan ko siya.

   Mukhang kinikilala niya si Ace. O mas tamang sabihin na... pamilyar sa kaniya si Ace.

"Who are you? Take a step again and I'll cut your throat!"

"Ace..." pigil ko rito at hinila siya sa likod ko. Nakita ko naman ang pagsunod ng tingin ni Ivronsen kay Ace na para bang kinikilatis ito.

"Ano na naman?" naiinis kong tanong dito pero wala sa akin ang mata niya. Sumingkit ang mata ko sa ikinikilos niyang kakaiba.

"Nasaan ang ina niya?" bigla ay natanong niya.

"My mommy is in front of you, idiot!" I looked at Ace in shock. Paano niya naintindihan iyon?

     Napapalatak si Ivronsen at nagtatakang tinignan ako nito. Saglit akong kinabahan at pinanlakihan siya ng mata para iparating sa kaniya na makisakay nalang.

    Malalagot ako kay Spade kapag sinabi ko na at wala pa ang totoong ina ni Ace.

    Nagkatinginan kaming dalawa at nagkasundo sa pamamagitan ng mga titig.

"Follow me."

     Dala dala ang kuryusidad sa reaksyon niya ay sumunod ako. Tinawagan ko pa sina Shane para saglit na kunin si Ace. Pakiramdam ko kasi ay isang importanteng usapan ang magaganap.

    Sa tingin ko ay may sasabihin siya sa akin kaya niya ako nilapitan pero nagbackfire nang makita si Ace. Maari kayang kilala nya ang ina ni Ace?

     Hapon na nang makarating kami sa akademya. Pahirapan pa sa pagpasok dahil hindi namin magawang makalusot sa guard kaya tinawagan nalang muna niya si Zyrel para saglit na disturbuhin ang bantay. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

  Panigurado, bukas na bukas mahuhuli kami. Paanong hindi? Nakatutok sa amin ang CCTV. Swerte nalang siguro kami at natiming pa na wala ang bantay doon sa surveillance room. Pero bukas, ichecheck na ang mga footage.

    Kahit na burahin pa namin ay hindi namin maiisahan si Iverson. Konektado ang CCTV footages sa opisina niya. Kinginang paninigurado yan.

"Boss, doon ba muna kami sa dorm mo?" tanong ni Andrei nang tuluyan nang makapasok. Tumango ako at binigyan sila nang pamatay na tingin.

"Huwag kayong papahuli, ha? Napakarami ko nang red slips. 'Di ko pa alam kung ano ang detention room nila," sagot ko at tumango sila.

    Agad na pumunta ako sa sinabing lugar ni Ivronsen. Sa dorm niya kami mag uusap. Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa tapat ng pintuan. Pinihit ko ang seradura at mabuti nalang hindi ito sarado para hindi na ako magkakatok pa. Patay na naman ako kapag nahuling nasa ibang dorm ako.

    Pagkapasok ko ay nakadim ang ilaw at napakatahimik ng paligid. Sandali akong natulala nang makita siyang nakasalamin. Magkamukhang magkamukha talaga sila! Naipilig ko ang ulo ko sa naiisip.

"Here. Buksan mo. Hindi ko alam kung para sa amin iyan o para sa iyo o para sa ating lahat."

    Isang itim na sobre ang lumapag sa mesa. Natigilan ako sa pamilyar na bagay na nakita lalo na nang remehistro sa isipan ko ang seal nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ito at binuksan.

"My dear Nemesis Louie Montero,

     The hide and seek we played is almost over. The king has been sorrounded. The queen is dying. We are approaching. Checkmate is near. Stop running and don't waste your energy. I can still find you. I am near, watch out.

                Sincerely yours,
K. S. O"

     Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nabasa. Black Harmony Org. Galing iyon sa mga Montero pero hindi ko alam kung sino talaga ang nagpapadala. May pinagdududahan ako at malakas ang kutob ko na tama ako.

     Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang makatanggap ako ng sulat na galing sa mga Montero. Matagal na nila akong minamanmanan pero hindi nila mapasok ang organisasyon namin. Protektado ako at ang organisasyon namin ang escapade ko dahil hindi nila kami mapasok. Hindi nila matitibag ang puder namin dahil mas malakas kami.

"So, tama nga ang hinala ko na konektado ka sa mga Montero sa Pinas. Though, alam ko na isa kang assassin at may kakaunti akong nalalaman tungkol sa iyo ay limitado lang din iyon. Ikaw ang hinahunting na wanted ng mga Montero, diba?" wika ni Ivronsen nang makita na matapos ko nang mabasa ang sulat. Hindi ako sumagot. May inabot na lighter si Ivronsen kaya kinuha ko ito at sinunog ang sulat.

     Pilit akong umiiwas sa kanila dahil ayaw akong kumalaban ng mga kadugo ko. Pero kung gusto niyang maglaro kami, sige pagbibigyan ko siya. Paikutin mo na lahat, 'wag lang ang pamilya ko.

  I've been very considerate for the past years dahil alam kong iyon ang mas makakabuti para sa amin lahat. Me, who's traumatized by what happened, also wants to run away. But it doesn't mean that I'm running because I'm guilty.

   I ran away because I was in rage.

    My chess pieces hasn't been put and arranged yet. Just wait for me to make a move and you'll see what happens next.

   


  

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ