Ilang beses ko na ring napagisipan nyan. At kapag sumasagi yun sa kin ay di ko mapigilang di masaktan. Pano pa kaya kung mangyare na talaga? Baka......



"Alam mo bei, kung sa una palang binakuran mo na ng bongga ang beh mo at  tinaasan mo pa para walang sasalisi sayo at di na masulot pa ng iba. Eh yung ginawa mo mas pinagtulakan mo pa sya sa iba eh kaya wag kang tangang iiyak iyak sa isang tabe kase nasasaktan ka. KASE NGA KASALANAN MO." si ate ly.




Napatanga lang ako habang nakikinig sa sermon nya sa kin. So ibig sabihin neto matagal ng may alam si ate ly sa feelings ko kay jhoana. Hay naku naman! Medyo kalat na talaga.



"Ano? Tama naman ako di ba?" si ate ly pa rin.



Wala na akong balak pang itago sa kanya yung gantong feelings ko para kay jho, tumango na lang ako.Alam ko namang mapagkakatiwalaan si ate ly. Tried and tested ko na yan!




"Pero kase ate ly, para kaseng malabo yung maging "kame" kase nga di ba straight sya kaya hanggang pangarap na lang ako pagdating yung sa ming dalawa." malungkot kong open up kay phenom. "Kaya nga nung dumating si marci sa buhay nya, napaisip ako......Tutal malabo naman yung sa min bakit di ko pag bigyan si marci? Nag ooffer naman sya ng true love kay jho at sa tingin ko naman mapagkakatiwalaan ko sya. Nasa tamang tao si jhoana kaya sinamantala ko na at alam kong matagal na nyang hinihintay na dumating yung prince charming nya kaya binigay ko na kay marci yung blessing ko para ligawan si jho. Alam kong sa ginawa kong yun ay mangyayare yung mga nangyayare ngayon kahit nasasaktan ako basta para kay jho ay gagawin ko ang lahat para lang maging masaya sya."




Malungkot nya akong tiningnan, tipid akong nagsmile sa kanya tas napabuntong hininga. Mabigat ang loob ko ngayon dahil yun ang katotohanan, na kahit anong gawin ko ay hindi uubra yung gusto kong mangyare. Hanggang panaginip at pangarap na lang talaga yung "kame".




"Alam na ba nya yung feelings mo?" si ate ly.




Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam." sagot ko. "Nagpapalipad hangin na nga ako pero parang wala pa rin syang alam eh, di nya ramdam."




"Gusto mo bang malaman din nya yan?" si ate ly.



"Ewan ko." ako. "Ayoko na.........gusto ko? Ang gulo di ba?" tas mapait na nag smile.



"Aminin mo na. Mas maganda siguro kung alam nya di ba?" si ate ly. "Para walang regrets sa huli, bei. Para wala kang "what if's", malay mo after all this time mutual din pala yung feelings nyo sa isat isa."



Talagang napaisip ako ng matindi dun sa mga sinabe ni ate ly. Mukhang tama rin sya dun pero kase nauunahan talaga ako ng kaba at takot. Natatakot talaga akong aminin yung feelings ko sa kanya kase baka mawala sya sa kin. Naguguluhan talaga ako kung aamin na ba ako or hindi na.......Kelanman. Ano ba?!😥




Habang tumatagal kase ay lalo ko syang minamahal eh at napaka hirap para sa kin yung nangyayare sa min ngayon pero tulad ng sinabe sa kin ni ate ly na kasalanan ko naman talaga kung bakit andito ako/ kame sa sitwasyon ngayon. Ako, na parang pinamigay ko ng ganon ganon lang si jho kay marci, yung babaeng pangarap ko, yung babaeng mahal ko, yung mundo ko......😢 Kaya AKO LANG ang dapat sisihin ngayon.























One week na lang at mag oopen na ang season 78 ng UAAP at grabehan na ang preparation namen, sana madagit namen yung 3peat at maibigay namen kina ate mae, ate amy at syempre kay phenom yung nararapat na exit nila sa UAAP.



Nagpaalam ako sa  coaching staff para makauwi sa tarlac this coming tuesday kase may family reunion kame at sa tarlac gaganapin yun dahil yun naman ang gusto nila lolo at lola. Di sana ako papayagan kase nga sa saturday na ang laro namen and against NU agad and thanks to ate ly kase nag back up sya sa kin kaya pinayagan na rin ako.



Best thing i (N)EVER hadDove le storie prendono vita. Scoprilo ora