Kung Ako Sa'yo...
Wednesday, January 04, 2012
12:08 AM
"Ikaw lalaki,mahal mo ba talaga ang anak ko?" , kung ganito lamang kadali ang tanong para sa isang lalaking tapat, Pinoy Henyo ang dating.. Pwdeng sagutin ng Oo, Hindi at Pwede.. Napakadali lang talaga. Pero pagakatapos kaya na sagutin yun, may nangyayari ba kaagad?
Napakahirap nang alamin sa panahon ngayon kung sino ba ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang hindi.
Ni hindi mo nga alam minsan kung ang kausap mo ay tao o hindi.
Sadyang mapanlinlang ang mga nilalang sa mundo. Kaya't pati mga damdamin ay dinadamay na rin nito. Minsan sasabihin sayong "MAHAL KITA".. Yun pala, kahapon lang yun.. Bukas, hindi na.. Kaya minsan ang sarap tanungin ng "KUMAIN KA NA BA? KASI, ANG LAMIG"... boy pick up ang drama... para lang hindi mabola. Kakaiba talaga ang nature ng tao. Hindi mo alam kung hanggang kailan ka papaikutin nito. Kahit ikaw nga ay nagagawa mo na ring magsinungaling sa sarili mo.. Kaya mas eksperto ka nang manloko ng ibang tao...
Ngunit ano nga ba ang nilalaman ng obra kong ito?
Aba'y ewan ko... basta na lamang akong pumindot.. Naglagay ng pamagat at ayun! Tuloy ang pagsulat.
Marami akong gustong isiwalat ngunit hindi ko alam kung paano ito ikakalat.
May Limang Dahilan kung Bakit Hindi Kaagad Makapag-move on ang isang tao...
Gusto mong malaman? Sige. Manghuhula ako!
1. Kasi mahal ko pa! (eto yung pinakaunang-una na maririnig mo sa taong nasaktan ng todo... may paiyak-iyak pa yan kasi nga, masakit daw.. Pero try mong paligawan kay Dennis Trillo, ewan ko lang kung mapansin nyang may bigote na ang loko)
2. Dahil sa mga alaala nya! (anak ng tokwa! Eto yung sinasabi ko... dapat kasi wag nang mag-iisip ng mga theme song at wag nang bibili ng COUPLE SHIRTS! Kasi masasayang lang... tapos pag nag-break, itatapon na.. Eh wala nang partner ee.. Loner ang drama... let go! Wag nang kumanta.. Sabi nga sa mga bata, PATAWAD.. Ibig sabihin, patawarin na... palayain na.. Move on!)
3. Matalino ako! (eto yung dahilan na nakakabobo... eh paano mo nga makakalimutan eh lagi mong iniisip? Kumbaga sa school, eh kailangan bang laging memoryado ang formula? Ganun ba yun? Hindi na! wag mo nang isipin... ang hirap sa atin ee alam na ngang wala na, tapos iisip-isipin pa... ang talino mo nga kung ganun.. Dahil gamit na gamit na ang utak mo, sugat-sugat naman yang puso mo!)
4. Kasi panget ako! (eto yung mga dahilan ng mga taong walang bilib sa sarili... grabe kung makapanlait sa sarili nila... kesyo baka daw wala nang manligaw.. Kesyo hindi na sila makahanap ng iba.. Hay naku! Alam mo kung bakit walang nanliligaw? Kasi nakikita nila sayo na mahal mo pa ung ex mo kaya iniisip nilang wala silang pag-asa sayo. Try mo kayang magmaganda! Siguradong matataranta ka!)
5. Kasi Bitter! (eto ang pinaka na, the best pa! eto yung dahilan na hindi maidahilan kasi nga kunwari nakapag-move on na pero deep inside, wala pa talaga! Gawain ito ng mapanlinlang na tao.. Yung tipong andami nang naging jowa pero yun pala, laro-laro lang kasi yun pa rin yung mahal nya! Imba.. Dapat kasi, ipahinga muna ang sarili.. Wag manggamit ng tao.. Masama yun! Mag-rest ka muna! Go! Dun sa rest room! Chos...
