CHAPTER IV

16 0 0
                                        

GPOV

Natutulog pa si Erb wala itong pasok nang araw na iyon kaya prenteng-prente sya sa pagtulog nang maya-maya ay maramdaman na lang nyang may yumuyugyog sa kanya. Si Isme ito na ginigising siya.

“Erb, hoy Erb gumising ka nga!”, ang sabi ni Isme.

“O’ bakit ba?” ang mahina naman nitong sabi na umiba lang ng ayos at tulog pa rin.

“Gumising ka may ipapagawa ako saiyo”

“Ano ba yon?” ang nakapikit pang sabi ng binata

“Assignment ko, alam mo naman hindi ako magaling sa drawing e, gumising ka na bilis baka malate pa ako!”, ang sabi  ni Isme.

Maya-maya ay babangon na si Erb, noon nya lang mapapansin na nasa loob pala ng kwarto nya si Isme. Napabangon syang bigla at napatingin sa soot nyang pang ibaba, naka-brief nga lang pala sya kapag natutulog at natatakpan lang ng kumot ang katawan nya. Napasigaw ang binata.

“Ano ka ba Isme, pano ka nakapasok sa loob ng kwarto ko ha!”, ang nagulat na sabi ni Erb na ikinapagtaka naman ni Isme.

“Siyempre sa pintuan, ano ka ba tulog ka pa ba?”

“Hindi yon ang ibig kong sabihin ano ka ba?!”

“E’ di pinapasok ako ni Tita, bakit ba?”

“Lumabas ka muna, nakakainis ka talaga”

“Bakit ba?”

Saka mapapansin ni Isme ang ibigsabihin ni Erb, matatawa ang dalaga, “Nahiya ka pa!”

“Bumaba ka na nga”

“Oo na po! Bilisan mo ha”, ang natatawa pang sabi ni Isme.

Tawa ng tawa si Isme paglabas ng kuwarto ni Erb. Hinintay nya ito sa sala. Maya-maya ay lumabas na ang binata.

“Alam mo istorbo ka talaga wala akong pasok ngayon gusto ko magpahinga”

“Tulungan mo muna ako alam mo namang hindi ako magaling sa ganito e, hindi na kita iistorbohin pagkatapos promise!”

“At ano ang kapalit?”

“Bakit may kapalit pa?”

“Aba dapat lang no’, ang hirap kaya nito”

“O sige sasabihin ko na lang sa kanila na ang brief mo si mickey mouse” tatawa ng malakas si Isme.

Akmang sisigaw si Isme at tatakpan naman ni Erb ang bibig nya.

“Ang ingay mo talaga, nakakainis ka!”

“Sige na tulungan mo na kasi ako, hindi ko sasabihin sa kanila na mickey mouse ang brief mo kung tutulungan mo ako sige na please!”

“Oo na huwag ka na ngang maingay, correction hindi mickey mouse ang brief ko okay”, mapapakamot sa ulo si Erb.

“Yey!” ang sabi naman ni Isme sabay yakap kay Erb.

“Tigilan mo na nga ako, istorbo ka talaga kahit kailan”

Samantala sa klase ng dance, nagtuturo ang professor nina Rem at Vans ng mga steps habang nakapila sila at nakaharap sa kanya-kanyang partner. Hindi magkapartner si Vans at Rem at hindi papayag si Vans dahil nga asar sya sa binatang kaibigan.

PAIRS OF LOVEWhere stories live. Discover now