Chapter 34

1.8K 36 0
                                    

Scarlet's POV

Nandito ako sa kwarto, nag eempake ng mga damit. Ngayon kasi ang flight ko patungo sa Korea. Sasama si Alex sakin, hindi ko alam kung bakit pero napa oo nalang ako, kailangan ko lang ng kasama.

Napag usapan na din namin ng parents ang tungkol sa kasal namin ni Zack, pumayag naman sila na hindi ito matuloy. Si Kuya naman parang may lagnat dahil sa init ng ulo, galit kasi.

"Scarlet! Nandiyan na sundo mo!" sigaw ni Freyah mula sa baba

"Coming!" pabalik kong sigaw

Dali dali kong sinarado ang maleta ko. Bumaba kaagad ako dala dala ang maleta ko. Tinulungan kaagad ako ni Alex at Zandher na kakapasok lang ng bahay.

Dinala muna nila ito sa kotse ni Zandher at pumasok ulit sa bahay.

"Kumain muna tayo" sabi ko

"Okay, pero kailangan nating bilisan, baka malate pa tayo sa flight natin" sabi ni Alex, ngumiti lang ako sakanya

"Um. Scarlet, sorry nga pala" napatingin naman ako kay Zandher

"Bakit ka nag sosorry?" tanong ko

"Sorry sa ginawa ni Zack sayo, gago talaga yun" sabi niya, napatawa ako ng mahina

"Hindi naman ikaw ang gumawa nun sakin Zandher" sabi ko

"Still—"

"Shh. It's okay. It's not your fault"

"Salamat Scarlet, ang bait mo talaga" sabi niya, nginitian ko nalang siya

Pumunta na kami sa kitchen at kumain. Kagaya ng sinabi ni Alex, binilisan lang namin ang pagkain dahil baka malate kami sa flight namin.

Pagkatapos naming kumain, sumakay kaagad kami ni Alex sa sasakyan. Sina Freyah, Carl, Trisha, at Beatrice, isali mo na si Kuya na nakaakbay kay Beatrice ay nasa labas ng sasakyan. Well, I hope hindi matulad si Beatrice sakin.

"Trisha, babes, wag kanang umiyak, babalik naman ako" joke ni Zhander sa umiiyak na si Trisha

Si Zhander kasi ang maghahatid samin sa airport.

"Hindi naman ikaw ang iniiyakan ko, si Scarlet" ani Trisha

"Ouch!" sabi niya sabay hawak sa dibdib niya, napatawa nalang kami

"Tama na nga yan, hindi naman kayo sweet, hindi kagaya samin ni Beatrice" hay nako, ang hambog talaga ni Kuya

"Ano ba Voughn, tigilan mo nga yan" sabi ni Beatrice at hinampas sa braso si Kuya

"Tama na ang drama, umalis na kayo" sabi ni Freyah na nakayakap kay Carl

"Ang sama mo Freyah" sabi ni Carl

"Ha? Bakit naman?" tanong ni Freyah

"Bakit parang tinataboy mo si Scarlet?" utas ni Carl

"Oo nga!" sabi ko

"Hehe joke lang naman yun Carl, sorry Scarlet" sabi niya at nagpeace sign

"Guys, isang oras nalang at lilipad na ang eroplano kaya alis na tayo" sabi ni Zandher

"Paano ba yan? Alis na kami" sabi ni Alex

"Bye, we will miss you!" sigaw ni Trisha

"Bye bye" sabi ko at kumaway sakanila

Pinaandar kaagad ni Zandher ang kotse at nag drive patungo sa airport.

"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong ni Alex

"Wala na" sabi ko

"Teka, sinabihan mo na ba ang parents mo tungkol dito?" tanong naman ni Zandher

"Of course" sagot ni Alex

"Ikaw Alex? Wala ka na bang nakalimutan?" tanong ko, umiling lang siya

"Eh, hanggang kailan kayo dun sa Korea?" tanong ni Zandher samin

"Hindi ko pa alam Zandher" sagot ko

"Hanggang makalimutan na niya si Zack" parang gusto kong umiyak. Ganito na ba kalakas ang tama ko kay Zack? Kahit naririnig ko lang ang pangalan niya lagi nalang akong pinapaiyak nito.

I promise myself, kapag bumalik ako dito sa Pilipinas, I have to be strong, bold, and confident. And I have to be over him when I come back here. I will let him pay for what he has done to me.

For making me fall for him and then breaking my heart. Watch out Zack Lopez, cuz I'm coming for you.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now