"So, hindi na ba talaga kayo magkakabalikan ni Kuya?" tanong ni Kaia sa kanya. Siya ang nakababatang kapatid ng best friend niyang si Tres. Kasalukuyan silang nasa cafe na malapit lang sa university na pinapasukan nito. Naisipan kasi nilang yayain ito maglunch tutal naman ay malapit lang ang shop nila sa school ng nito.
"Ikaw, kelan mo balak grumaduate?" balik tanong ko dito na ipinagkibit balikat lang ng huli. 22 years old na kasi eto pero hanggang ngayon ay di pa din ito tapos sa college. Halos lahat na ata ng course ay napasukan na nito. Hindi pa din daw kasi nito alam ang tunay na gusto nito sa buhay kaya kapag nawalan ito ng interes ay nagshi-shift course ito.
"Kapag grumaduate ka na tsaka ko sasagutin yang tanong mo." anya niya dito
"Edi may balak ka ngang maging kayo ulit?" ayaw paawat pa ding tanong nito.
She sigh as she look at the youngest of the Yamazaki. Ubod nga pala ito ng kulit. Walang nakakapigil dito sa gusto nitong sabihin at gawin. Hangga't di kasi nito nakukuha ang gusto ay di ito tumitigil katulad nalang ngayon.
"Kaia kumain ka nalang dyan." anag ni Tres sabay subo nito ng fries sa kapatid. "Kapag di k pa tumigil dyan sa kakakulit kay Maikha baka itapon ka nyan sa kanal."
"O di kaya ibalik kita sa sinapupunan ng nanay mo." singit niya.
"Tamang-tama mukha ka pang fetus." png-aasar ulit ni Tres.
"Kesa naman sa'yo gurang na." ayaw patalng ganti nito sa kapatid.
" Unano."
" Gurang."
Napangiti siya sa asaran ng magkapatid. " Tama na yan baka kung saan pa makarating yang asaran niyo eh." awat ko sa dalawa.
"Si ate Tres kasi eh." sumbong ni Kaia sabay belat sa kapatid nito na ikinatawa lang ng huli. close ang dalawa kaya malabong magkapikunan ang mga yan. bigla tuloy niya gusto magkaroon ng kapakatid.
She was the only child of the Del Fierro's. Both of her parents died at the car accident when she was 13 years old. Ang best friend ng mama niya na si tita Xailla na ang tumayong nanay niya since then. Si tita Xailla ang step mom nina Kaia at Tres. Nag-iisa nitong anak si Kasuke, ang kababata at ex boyfriend niya.
" Sagutin mo nalang kasi yung tanong ko ate Maiks." untag sa kanya ni Kaia.
Pinisil niya ang ilong nito na ikinanguso ng huli. " Ang kulit mo. Hindi na kami magkakabalikan. Clear?"
" Wae yo?" tanong ni tres.
Inirapan niya si Tres. " Move on na ako." seryoso niyang sabi.
" Weeeeeh?" sabay na sabi ng magkapatid.
Is she really moved on? 4 years na din since Kasuke and her broke up. At halos 2 years na din silang hindi nagkikita dahil umalis ito ng bansa para pumunta sa Japan upang asikasuhin ang mga negosyong naiwan ng daddy nito.
" Iniisip mo ba yung mga tanong sa'yo ni Kai-kai kanina?" untag ni Tres sa kanya.
Napatingin siya dito. " Andito ka na pala." matapos kasi ang lunch date nila kanina ay umalis ito para kumuha ng mga merchandise sa supplier nila.
She and her best friend Tres owned a k-pop merchandise shop. Lahat ng mga anik-anik na may kinalaman sa k-pop ay binebenta nila. Pareho kasi silang addict sa k-pop kaya naman ng grumaduate sila ng college ay naisipan nalang nilang itayo ang naturang business.
