1st Chapter: The Lady Guard

5.6K 178 18
                                    

Violet Cloud

NAKATAYO si Pearl malapit sa men's toilet ng restaurant. Bilang bodyguard ni Primo ay tungkulin niyang huwag lumayo upang mabantayan ang binata.

Habang nakatayo ay nakatitig si Pearl kay Elizabeth, ang bagong ka-date ni Primo. Unlike Elizabeth, she wasn't wearing any makeup. Kung naka-dress si Elizabeth, itim na tailored suit at slacks naman ang suot niya. Hindi rin stilleto heels ang gamit niya kundi itim na leather shoes. Her hair wasn't arranged into an elegant bun either. It was simply tied into a ponytail.

"I'm not feminine at all," bulong ni Pearl sa sarili. Hindi naman iyon maiiwasan dahil sa trabaho niya. She needed to be able to move freely so she could protect Primo.

"You're very plain, you come from an ordinary family, and you're not attractive at all."

Nanggigil na naman siya nang marinig sa kanyang isipan ang mga sinabing iyon ni Charly. That woman was very selfish! Iniisip pa rin ni Charly na pag-aari nito si Crey hanggang ngayon gayong alam nito ang nangyari noon. Hindi siya papayag na tratuhin ni Charly si Crey na parang laruan.

She really liked Crey. Outwardly, he seemed cold, but he was actually warm and gentle. Naaalala pa niya ang unang beses na kinausap siya ni Crey noong high school sila. Nakita siya nitong nagtatago sa ilalim ng puno habang nagpipigil umiyak dahil na-bully siya ng mga kaeskuwela.

"You look like you feel like crying. Why don't you?" tanong ni Crey.

Umiling si Pearl. "Nangako ako kay Lord Primo na hindi na uli ako iiyak. Kapag umiyak ako, tatanggalin niya ako sa trabaho ko bilang bodyguard niya."

"You shouldn't believe everything that bastard Primo says," he said coldly, pagkatapos ay sumalampak ng upo sa tabi niya. "You can cry. I'll keep it a secret from that stupid Primo."

Pinagmasdan niya si Crey. Walang emosyon sa mukha nito. But his eyes were gentle as he looked back at her. Komportable siyang kasama ang binatilyo na para bang bigla siyang napanatag. Napahikbi siya. Namalayan na lang niya ang sarili na umiiyak na. Mayamaya ay naramdaman niya ang marahang pagtapik ni Crey sa kanyang likod. Tiningnan niya ito. "B-Boss...?"

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Crey. "Pearl, sometimes, you have to let those tears fall. Girls who are tough are admirable, yes. But girls who cry are cute, too."

Hindi alam ni Pearl kung tamang ipaglaban pa niya ang nararamdaman para kay Crey kahit alam niyang imposible, pero hindi siya papayag na angkinin ni Charly si Crey. She wanted to protect him from that selfish woman.

Nawala lang ang atensiyon ni Pearl sa pagmumuni-muni nang makitang lumabas na ng men's room si Primo. Pero bago pa makalapit sa kanya si Primo ay may lumapit na ritong isang magandang babae. Kilala niya ang babae. It was Audessy, the famous actress.

"Hi, Lord Primo!"

Nakangiting tiningnan ni Primo ang babae. "Audessy. It's goo—" Hindi na naituloy ni Primo ang sasabihin dahil bigla na lang lumingkis sa leeg nito ang babae at humalik nang mariin sa mga labi.

Nag-iwas ng tingin si Pearl at hinanap agad ng kanyang mga mata ang mesa ni Elizabeth. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nakatalikod si Elizabeth sa kanila kaya hindi nito nakikitang may iba nang kalampungan si Primo.

"What a nice way to greet me, Aud," naaaliw na wika ni Primo nang mahiwalay ang mga labi kay Audessy. "How are you?"

"I'm good! Anyway, that kiss was a token of my gratitude. You were the first person to say I was going to be a famous actress, and look? I'm the top female celebrity in showbiz now! Aside from being one heck of a businessman, you also have a good eye for talent. Siguro kung naging talent manager ka lang, kahit sinong babaeng i-handle mo ay mapapaganda mo lalo at mapapasikat," tuwang-tuwang sabi ni Audessy.

Tila lumaki ang mga tainga ni Pearl sa narinig. Oo nga! Bakit hindi agad niya naisip iyon? Primo was a womanizer, at siguradong hasa na sa pagkilatis ng mga babae. Maaari din siya nitong matulungan upang maging mas feminine siya at mapansin ni Crey sa pagbabalik sa Pilipinas.

"'Bye, Primo. Give me a call when you're free." Muling kinintalan ni Audessy ng halik sa mga labi si Primo bago umalis.

Ngumiti si Primo habang hinahatid ng tingin ang babae. "Ang guwapo ko talaga," malakas na wika nito, sabay tingin sa kanya. Kinindatan pa siya. "'Di ba, Pearl?"

Hindi niya pinansin ang pagyayabang na naman ng kanyang amo. Lumapit siya at tiningnan ito nang deretso sa mga mata. "Lord Primo..."

"Yes?"

Pinagdaop ni Pearl ang mga kamay sa kanyang dibdib. "Make me a woman, please."

And that was when his jaw dropped.

May nasabi ba akong nakakagulat?

Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon