Sinenyasan ko sina Anastasia na sumunod sakin. Dinala ko sila sa ikalawang palapag ng bulwagan.

                  Mukang sumunod din samin yung lima "Sumunod naman ang mga tanga" natatawang bulong ko.

                   Nang makarating kami sa tapat ng isang kwarto. Agad kong kinuha ang baril ko sa purse ko. Ganun din ang ginawa nina Anastasia.

               
                    Syempre. Nilagyan na namin ni silencer yung mga baril para walang makahalata.

                  Sinenyasan ko sina Anastasia na mag tago lang dito sa labas at ako nalang ang papasok sa loob. Agad naman nilang sinunod.

                  Iniwan kong bukas ang pinto. Ilang segundo lang ang nakalipas at sunod sunod na pumasok ang limang kumag sa loob ng kwarto.

                  "Hello there" nakangiti kong bati sa kanila. Tinutukan nila ako agad ng baril. Syempre tinutukan ko din sila.

                   Bago pa man nila ako paputukan. Biglang pumasok sina Celyne sa kwarto at pinaputukan ang dalawa sa kasamahan nila.

                   "Surprise" bati ni Anastasia. Kinasa ko ang baril ko at pinaputukan ang natitirang tatlo.

                    "Hindi man lang ako pinag pawisan sa ginawa naten" sabi ko.

                    "To all the students. Salamat sa pagdalo ng ating acquaintance party. At sa mga guest, you are all welcome." Sabi ni Dean.

                   "Bago palang mag sisimula ang acquaintance pero lima agad ang patay. Anobayan" sabi ko.

Third person's POV

                  

                    Habang nag sasaya ang lahat. Abala sina Saffron sa paglilibot.

                    Walang kaalam alam ang mga estudyante na meron ng kaguluhan na nangyayari dito.

                   Kapansin pansin din ang isang lalake na nag ngangalang Hunter na nakatitig kay Saffron na tila ba nabibighani sa taglay na kagandahan nito. Hindi man nya makita at makilala ang muka ni Saffron dahil sa maskara pero patuloy parin ang pag titig at pag ngiti nya.

                   Ilang segundo ang lumipas. Isang grupo ng armadong lalake ang nag lalakad patungo sa kinaroroonan ng dean at mga profesors.

                   Napansin naman agad to nina Saffron. "The smoke bombs" utos ni Saffron sa mga tauhan nya.

                    Na-activate agad ang smoke detector dahil sa usok na nang gagaling sa smoke bombs.

                    "Sunog!" Rinig na rinig ang sigaw ng isang estudyante.

 

                     "Ihanda ang exit" utos ni Saffron.

                   "Bantayan ang iba pang mga kalaban. Siguraduhin nyong hindi sila makakalabas" utos ulit nya.

                    Maya maya pa ay sumenyas na si Saffron na paputukan ang mga armadong lalake.

                    Nagsitakbuhan ang lahat palabas dahil sa akalang nagkaroon ng sunog.

                     Nag hiyawan ang mga estudyante kasabay ng pag takbo nila patungo sa exit.

Mafia Queen Where stories live. Discover now