Mahal kita kahit mataba ka

214 0 0
                                    


  "mahal kita kahit mataba ka"
Ni Dan Bersabal

mahal kita kahit mataba ka
wag mong lalaitin sarili mo dahil mataba ka
wag mong ikakahiya na mataba ka
dahil akala mo sa sarili mong
walang magkakagusto sayo
walang papansin sayo.

ikanga nila chubby is the new sexy
so dapat maging proud ka
dahil kahit di ka payat eh sexy ka.

so sainyo mga boys mahalin nyo yang gf nyong mataba
dahil may unan kana may kama ka pa
wag mong ikahiya na mataba gf mo
pag may nanlait sapakin mo agad.

mabalik na ako sayo
oo tama narinig mo
mahal kita kahit mataba ka
di naman kita minahal dahil lang sa itsura mo
minahal kita dahil yan ka
malakas ka man lumamon
maubos man pera ko kakakain mo
okay lang dahil nga mahal kita.

wala akong pake sa sasabihin ng iba
kesyo mataba gf ko? okay lang
panget gf ko? okay lang
kesa naman sa mga mapanglait at mapang mata
katulad ng ibang tao na
tinitignan yung mali ng iba
di na nila nakikita yung mga muta sa sarili nilang mga mata.

ganyan naman kadalasan mga tao eh
masyadong minamata ang iba
dahil akala nila perpekto na sila.

dahil sa sarili nila porket payat sila eh maganda na sila
kung titignan mo naman parang pang dayo ng
feeding program
di ko naman sa nilalahat
gusto ko lang sabihin sa ibang tao
bago tignan ang iba tignan muna ang sarili nila.

kaya sa mga babaeng mataba maging proud kayo
wag kayong mahiya
ako nga proud akong sabihin na
MAHAL KO SYA KAHIT MATABA SYA.  

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now