chapter 1

28.3K 384 2
                                    

DEN’S P.O.V

Kanina pa ako palinga linga dito sa kinalalagyan ko., pero wala talaga ako makita na taong pwedeng tumulong sa akin.

Nasiraan ao ng sasakyan nung papunta ako sa isang medical mission sponsored ng aming school at sa dinami dami ng lugar na pwede akong masiraan ay dito pa sa walang kabahay-bahay at mukhang bihira pa daanan ng mga sasakyan.

Naupo na lang ako sa may gilid ng kalsada at yumuko, bigla na lang tumulo ang luha ko.

Asan ka na ba?? Simula nung umalis ka wala ng nagliligtas sa akin. Yan ang paulit ulit kong binubulong. Maya maya pa

“Miss okay ka lang ba?” – tanong ng isang malamig na boses. Sa kakaiyak ko hindi ko namalayang may nakalapit na pala sa akin. Nag-angat ako ng tingin para Makita kung sino ito.

Isang taong nakahood, cap at neardy glasses. Hindi ko tuloy alam kung babae ba to o lalaki basta matangkad. Natigil lang ang pagkilatis ko ng magsalita ulit siya.

“Miss okay ka lang ba?” – tanong uli nito.

Umiling na lang ako.

“Nasiraan ka ban g sasakyan?” – tanong niya sabay tingin sa kotse ko.

“Oo naflat yung isang gulong ko sa harapan. Hindi pa man din ako marunong magpalit ng gulong. May pupuntahan pa man din akong medical mission.” – mahabang paliwanag ko.

“Sige..ako na magpapalit, I hope may dala kang reserved tires at tools.” – sabi niya tsaka lumapit sa kotse ko.

Sumunod naman ako, binuksan ko yung trunk ng kotse ko para makuha niya yung gagamitin niya. Tapos nagsimula na siya pailtan yung naflat na gulong…ako, ayun tinitignan ko lang siya gumawa.

“Alam mo ang problema hindi yan iniiyakan, hinahanapan yan ng solusyon. Kapag tingin mo wala ng paraan., tanungin mo sarili mo kung hindi mo na kaya? Kapag sinabi nito na hindi na., dun ka bumitaw at sumuko pero kapag nalaman mo na kaya mo pa.., ikaw mismo gumawa ng paraan para ipaglaban at harapin ito.” – sabi niya matapos maayos yung kotse ko. Naiwan naman akong tulala sa sinabi niya.

“Okay na yung kotse, pwede ka nang pumunta sa pupuntahan mo.” – sabi niya tapos pumunta na siya sa sasakyan niya.

“Thank You!” – yun na lang nasabi ko. Nag nod naman siya tapos pinaandar na yung kotse niya. Ako naman sumakay na din sa kotse ko at pumunta na sa lugar ng medical mission late na din ako.

My True LOVE..............is My HERO (AlyDen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon