MY SINGDERELLA
By:Reinarose
Lagi na ay hindi mapakali si Cindy..napapadalas ang labas nina Candy at Dave..wari ay nagwewelga ang puso ng dalaga..may nararamdaman siyang...selos..tama..selos..pero saan?..kanino?..selos ba dahil hindi na sila madals magkasama ni Candy..or selos dahil lihim na din niyang magugustuhan si Dave..
"Ahhhhhh!" sigaw ni Cindy...ok lang na sumigaw siya..wala na naman kasi si Candy..kasama na naman ni Dave...wari ay nginangatngat ng matinding panibugho ang puso ng dalaga.."Ano ba ang pinaggagagawa nyo?" sigaw na naman ni Cindy.
Mag aalas dose na ngunit wala pa din si Candy..hindi na nakayanan pa ni Cindy..iginupo na ito ng antok..
...
Kinabukasan..maaga pa ding gumising si Candy kahit late na late na itong umuwi ng nagdaang gabi.
"Napapadalas yata ang uwi mo ng late ah!" wika ni Cindy.
"Ha! Ok lang yun, si Dave naman ang kasama ko eh!" nakangiting tugon ni Candy.
"Candy, kahit na siya pa ang kasama mo, hindi ka dapat nauwi ng late na." pangaral ni Cindy.
"Cindy, common! Napakaaga pa para sermunan mo ako!" sagot ni Candy.
"Candy, kapakanan mo lang ang iniisip ko!" wika ni Cindy.
"I know! But malaki na ako, let me decide para sa sarili ko." wika ni Candy.
"Candy, natututo ka na sumagot!" wika ni Cindy..sa mahinahong tinig.
"Cindy, this is my life! Alam ko ang makakabuti para sa sarili ko!' sagot ni Candy..sabay tayo..walang paalam na umalis ng bahay.
Napasapo naman sa kanyang ulo si Cindy..hindi niya akalain na darating ang time na matututong managot si Candy.."And that's your fault, Dave!" galit na sabi ni Cindy..
...
Pumasok si Cindy sa eskwelahan..dala dala ang bigat sa kanyang dibdib..masyado ng lulong si Candy kay Dave..Paano kung malaman nito ang talagang pakay ng lalaki?..tiyak na abot hanggang langit ang magiging galit ng kapatid sa kanya.
"Hayyyyyyy!" nabigkas ni Cindy.
"Ang lalim noon ah!" puna ni Bebang..co-teacher ni Cindy.
"Konti lang!" sagot ni Cindy.
"Anong problema mo?" tanong ni Bebang.
"Wala naman," malungkot sa sabi ni Cindy.
"Ah! Kaya pala mukhang pasan mo ang mundo!" komento ni Bebang.
"Hayyyyyyyyy!" muli ay buntong hininga ni Cindy.
"Si Candy, tama?" tanong ni Bebang..nangalumbaba lamang si Cindy.
"Sabi ko sa'yo, kapag yang step sister mo ay natutong tumayo sa sariling mga paa, makakalimutan kana niyan!" wika ni Bebang.
"Hindi naman sa ganoon!" pagtatanggol pa ni Cindy sa kapatid.
"Kinalimutan mo ang lahat ng dahil sa kanya! Ang pangarap mo, pati ang lalaking unti unti mo ng nagugustuhan!" sabi pa ni Bebang..alam lahat ng kaibigan ang tungkol sa kanya..magkaklase sila..ito din ang sinasabihan niya ng lahat ng kanyang sikreto.
"Bebang, hindi ko isinusumbat ang mga bagay na ibinigay ko sa kapatid ko, dahil kusang loob kong ginawa lahat iyon!" wika ni Cindy.
"Tama! Ngunit hindi marunong pahalagahan ng kapatid mo! Masaya ka ba sa lahat ng pagpapaubayang ginagawa mo?" tanong ng kaibigan.
"Oo!" sagot ni Cindy..ngunit hindi galing sa kanyang puso.
"Labas sa ilong!" nawika ni Bebang.
"Bebang naman eh!" angal ni Cindy.
YOU ARE READING
MY SINGDERELLA
RandomMagaling na mang-aawit si Cindy..ngunit hinayaan niyang itago ang talentong iyon sa iisang dahilan..ang kanyang step sister na si Candy.. Pangarap ni Candy na sumikat sa larangan ng pag awit...kaya gagawin niya ang lahat makamit lang iyon. Nagpaubay...
